^

PSN Showbiz

Nanay 'di child abuser, Elmo enjoy sa trabaho, hindi napipilitan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Obvious na alam ni Elmo Magalona ang is­yung sabay silang nagpa-tattoo ng rumored GF niyang si Lauren Young dahil nang tanungin namin kung may tattoo siya, agad nag-deny at ipinakita ang malinis na mga braso. Gusto rin sana nitong ipakita ang tiyan, nahiya lang siguro kay Julie Ann San Jose na katabi niya sa presscon ng Daldalita.

Nagbiro si Elmo na kaya hindi pa siya nagpapa-tattoo dahil wala pa siyang maisip na design. Sila na lang daw ng younger siblings niyang sina Arkin at Clara ang walang tattoo sa kanilang magkakapatid.

Bukod sa Daldalita, ilo-launch ang love team nina Elmo at Julie Ann sa movie na Just One Summer na may January 2012 playdate. Nabasa niya ang comment sa acting niya sa Tween Academy, kaya nangakong mas gagalingan ang acting sa new movie.

Kasunod nito, ipinagtanggol ni Elmo ang inang si Pia Magalona sa comment na kahit Sunday ay pinagtatrabaho sila ng ina, lalo na si Arkin.

“Ang tingin nang nag-comment sa Twitter, pinipilit kami ng mom namin na magtrabaho, but it’s not true. Choice namin ito at nag-i-enjoy kami. Walang child abuse rito,” pahayag ni Elmo.

SP ni Richard pinakadelikado ngayon

Hanggang Nov. 11 na lang ang Time of My Life na kung totoong ang Season 4 ng Survivor Philippines ang papalit sa time slot ng danserye, sa Nov. 12 na papasok ang reality show. Makukumpirma na kung ganun kung totoo ang tsikang sa isang parte ng Asia o sa isang island lang sa Palawan ang location ng Survivor Philippines this season.

May teaser na ang reality show na nagpapakita kay Richard Gutierrez na may inakyat na bundok na puro bato. Ang Season 4 ang the most dan­gerous, most intriguing, harsher living condition ng castaways, but in the end ay may mananalo pa rin ng P3 million cash prize.

May naglalabasan na spoiler ng mga castaways at nabalitang castaway si Vivo Ouano, pero napasinu­ngalingan ito nang mahuli ang aktor sa drug buy-bust operation. Ang tiyak kami, may galing sa Starstruck na castaway. Bawal ang clue kaya wait na lang natin ang pag-ere ng Survivor Philippines.

Sheena nag-aalala na maging totoo ang away kay Rochelle

Bothered si Sheena Halili sa isyung may conflict sila ni Rochelle Pangilinan sa taping ng Amaya. Hin­di man sila close, hindi rin sila magkaaway. Nalo­ka ang aktres sa tsismis na pinaalis niya si Rochelle sa standby area nila dahil matutulog siya. Never niya itong gagawin sa co-star.

Naloka pa si Sheena na sinabihan daw niya si Rochelle na matanda ang BF, hindi niya ito magagawa kay Arthur Solinap dahil nakapa­reha niya ito sa Bantatay at maganda ang working relationship nila. Nangangamba si Sheena na baka maniwala ang dancer-actress at ma­ging daan ito para mag-away na nga sila.

Samantala, masaya si Sheena sa mahabang ex­tension ng Amaya at ang alam niya hindi mawawala ang karakter niyang si Ahak kaya may work siya up to December. Kaya lang nababawasan ang pagkikita nila ni Rocco Nacino dahil pareho silang busy. Ma­buti na lang at pumupunta ito sa bahay nila sa Pampanga para sila ay magkita.

OST ng tween stars naka-gold na, susunod ang Christmas album

Masaya ang cast ng Tween Aca­demy at GMA Records dahil nag-gold ang original soundtrack o OST ng movie. Kaya naman excited ang mga bagets na mag-recording ng Christmas album nila na ire-release sa November.

Tsika ni Lexi Fernandez, ang First Noel ang kinanta niya sa album, si Derrick Mo­nasterio ay O, Holy Night. Hindi siya sure kung Silent Night ang kay Bea Binene, at Jingle Rock ang kay Barbie Forteza. Tiniyak si Lexi na magugustuhan ng mga fans nila ang Christmas album.

AMAYA

ANG SEASON

ARKIN

ARTHUR SOLINAP

BARBIE FORTEZA

ELMO

NIYA

SHEENA

SHY

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with