^

PSN Showbiz

Matt Damon magsyu-shooting sa 'Pinas!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Darating din pala ng bansa ang Hollywood actor na si Matt Damon sa January.

May mga eksena raw kasing kukunan dito ang sequel ng pelikula niyang pinasikat, ang The Bourne Identity. Hindi na siya ang bida pero balitang lalabas sa opening at closing scenes si Matt.

Una na itong kinumpirma ni John Sayles, ang sikat na independent filmmaker na gumawa ng pelikula sa bansa kamakailan lang, ang Amigo, na kuwento ng Philippine-American war na siya ang director and producer. Ipinalabas ito sa New York, Los Angeles, and San Francisco last August at sa ating bansa rin.

Fourth installment na ang kukunan sa bansa. May clearance na raw sa US embassy sa bansa.

Majority sa mga eksena ay sa MRT (Metro Rail Transit).

Ang Bourne series ay nagsimula noong 2002. Sinundan ito ng The Bourne Supremacy noong 2004 at 2007 nang ipalabas ang The Bourne Ultimatum.

Actor na sikat sa Japan unang kumita ng malaki

Naging hosto pala ang isang actor na boyfriend ng isang sikat na aktres ngayon.

Pramis ng source, nagtagal ito sa Japan at maraming naging suki. Saka wais daw ito pagdating sa pera, puro pakabig. Kaya naman nagbunga ang lahat.

Nakaipon siya at nang bumalik ng PHL, nabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya.

Pero hindi pa roon natapos ang magandang kapalaran ng actor, nadiskubre nga siyang mag-showbiz, nabigyan ng magandang project hanggang maging boyfriend na nga ng aktres na sikat.

Kaya nga marami ang nanghihinayang sa aktres.

Pero siguro nga suwerte ang actor dahil naging mabait siya sa pamilya kaya maganda ang naging kapalaran niya.

Kabadingan na-justify ni Jake

Maganda ang portrayal ni Jake Cuenca sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) last Saturday. Controlled ang emotions niya sa mga eksena bilang isang bading na hindi tanggap ng ama na na-stroke sa Barcelona, Spain.

Nakita rin sa episode ang mga tourist spots sa nasabing bansa na pangarap puntahan ng maraming Pinoy.

Bahagi ang nasabing episode ng 20th anniversary ng MMK, ang pinakamatagal na drama anthology sa Asya.

Sayang at hindi ko napanood ang isa pa nilang episode na nagkaroon ng screening kamakailan, ang Tungkod.

Ang nasabing episode, na dinirek ni 2009 Cannes Film Festival Best Director na si Brillante “Dante” Mendoza, ay kinunan sa Palawan.

Kilala si Mendoza sa larangan ng alternatibong pelikula, lalo’t humakot na rin siya ng mga parangal para sa pelikula niyang Kinatay kaya pinupuri siya ng mga nakapanood sa dinirek niyang Tungkod.

Magmula 2005, nakagawa na si Mendoza ng siyam na world-class films na reflection sa katotohanan ng lipunan, sa buhay ng mamamayang Pilipino, at maging sa mga isyu ng bansa.

Sa ginanap na MMK screening, mismong si Mendoza ang nagpakilala ng dinirek niyang episode.

Si ABS-CBN President at Chief Operating Officer Charo Santos-Concio ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng drama anthology. Dumalo rin ang managing director ng ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI) na si Gina Lopez, pati na rin ang iba pang VIPs at mga mamamahayag mula sa ibang bansa.

Anyway, ang Tungkod ay kuwento ng asawa’t inang si Bogs (Angel Aquino) na masidhing ipinaglalaban ang kanyang mga paniniwala. Sa kanyang dedikasyon at tapang upang ipaglaban ang mga ito, naaapektuhan na pala ang kanyang pamil­ya. Sa kalagitnaan ng kanyang pakikipagdigma para sa karapatan, hinarap ni Bogs ang pinakamatinding hamon sa kanyang buhay.

ANG BOURNE

ANGEL AQUINO

BANSA

BEST DIRECTOR

BOURNE IDENTITY

BOURNE SUPREMACY

BOURNE ULTIMATUM

MENDOZA

TUNGKOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with