^

PSN Showbiz

Korina at Melai buntis na?

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kumalat sa social networking site na Twitter ang balitang buntis na diumano ngayon si Melai Cantiveros sa boyfriend niyang si Jason Francisco. Isyung agad namang hinarap ng komedyante.

“Siyempre hindi. Hindi totoo ’yun. Hindi ako buntis. Saka baka magalit ’yung pamilya ko doon sa Gensan (General Santos) na malaman nila ’to. Siyempre sobrang dami kong pamilyang tinutulungan. Hindi puwede na magbuntis,” pahayag ni Melai.

Iginiit din niyang mayroong tamang panahon kung kailan dapat bumuo ng sarili niyang pamilya. “Ang right time siyempre ’yung kapag na-settle na ’yung pamilya mo, ’yung kapatid mo. Natapos ka mag-aral,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, maging ang res­petadong broadcast journalist na si Korina Sanchez ay napabalitang buntis din sa Twitter. Paano nga ba nagsimula ang isyung ito?

“Mabuti pa ang Twitter, buntis ako, pero sa totoong buhay hindi pa. Hindi pa talaga. Kagagawan ’yan ni Senador Ping Lacson. Napag-trip-an yata si Mar (Sen. Roxas) sa kanyang confirmation, kaya ayun.

“Sinabi ko naman sa inyo, project ’yan and seryosong project ’yan sa ngayon. So you know we’re consulting doctors. Malay n’yo talagang this year or next year,” positibong reaksiyon naman ni Korina.

Susan kapareho ang sakit sa buto kay GMA

Mayroong karamdaman ngayon ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces. Sa presscon ng kanyang latest endorsement kamakailan ay ginulat niya ang press people nang matanong siya tungkol sa sakit sa buto ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inamin ng respetadong aktres na mismong siya ay dumaranas din ng ganitong klaseng kondisyon. “Ang sakit ni GMA ay sakit ko rin, degenerative. It’s part of aging. Ang kanya lang sa leeg. Ang sa akin sa fourth and fifth vertebra. That’s why I have to wear a brace,” pagtatapat ni Tita Susan.

Matinding pag-iingat at pag-aalaga sa kanyang pagkilos ang kinakailangan niyang gawin ngayon dahil sa kanyang karamdaman sa spine.

“May mga kilos na maselan, na di ko dapat gawin. Hindi ako dapat magbuhat ng mabigat. It’s part of aging. Hindi ko pa pinapagalaw kasi maselan nga eh. It’s in between the vertebra eh napupudpod ’yon, masakit. I cannot do a very strenuous exercise, mga jumping, jogging, mga masyadong mahahabang walk,” paglalarawan pa ng beteranang aktres.

Sa kabila ng karamdaman ngayon ni Tita Susan ay patuloy pa rin siya sa kanyang showbiz career. Bukod sa bago niyang endorsement ay muling magbabalik-Kapamilya ang aktres at napapabalita ring magiging bahagi siya ng top-rating na teleseryeng 100 Days to Heaven. — Reports from JAMES C. CANTOS

GENERAL SANTOS

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JASON FRANCISCO

KORINA SANCHEZ

MELAI CANTIVEROS

PING LACSON

QUEEN OF PHILIPPINE MOVIES

TITA SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with