Eddie Garcia sa magmamaruyang bakla lang pumatol!
Nagulat si Eddie Garcia nang malamang banner sa mga dyaryo ang pag-amin niya sa presscon ng Praybeyt Benjamin na nagkaroon siya ng gay relationship when he was 15 noong nasa Sorsogon pa siya. Sa first taping day ng aktor sa guesting niya sa Iglot, ikinuwento ng buo ang nangyari.
Naliligo raw silang magbabarkada nang makitang sinisilip sila ng bading na nagtitinda ng maruya, nagpustahan silang tatlong magkakaibigan at siya ang last na ‘tinikman’ ng bading. ‘Kaloka!
Samantala, balik na uli sa GMA 7 si Eddie para sa Legacy, pero dahil hindi pa nasisimulan ang soap, maggi-guest muna siya for two weeks sa Iglot bilang ex-convict na si Celso na pumatay sa parents ni Fr. Ruben (Romnick Sarmenta).
Wala pang balak mag-retire sa showbiz si Eddie, “inabot naman ako ng inip ‘pag nag-retire ako. Habang puwede pa, sige lang. Kapag wala nang kumukuha sa akin, doon na ako titigil sa showbiz.”
Babaing TV host ang daming isyu sa buhay
Muling bibiyahe ang grupo na bumubuo sa isang long-time show, pero balita namin, may isa sa mainstay ng show na hindi kasama. Hindi na rin siya isasama sa mga iba pang lakad ng grupo dahil hindi makalimutan ng management na sa isang out of the country nilang show, hindi sumama ang babaing ito.
Ang sabi’y may iba siyang pupuntahan, pero nalaman na lang na umalis ito kasama kasama ang boyfriend. Para hindi na siya problemahin kung sasama o hindi, tsugi na siya sa iba pang lakad ng grupo. Bakit kaya ang daming isyu sa babaing ito?
Gab hingahan ng problema ni Isabel
Dumating na ang Put Put ni Isabel Oli (ang BF niyang si Gab Valenciano), kaya bukod sa pamilya at mga kaibigan, may shoulder to lean on na uli siya tungkol sa kondisyon ng ama. Three months ng comatose ang ama niya at ang ama ang inspiration para galingan pa ang trabaho niya.
Thankful si Isabel na kasama siya sa Daldalita dahil malaking tulong sa medical bills ng ama. Three nurses ang kinuha nila para sa three shifting na mag-aalaga at tulung-tulong silang magkakapatid sa amang may cerebral degeneration.
Natawa pala si Isabel sa inisip ng iba na dahil sa BF niyang si Gab, sa Genesis siya pipirma ng kontrata, pero sa Viva Films at kay Becky Aguila siya ngayon may kontrata.
- Latest