Rufa Mae umamin na sa muntik nang mapangasawa!
Umitim na ng konti si Rufa Mae Quinto. Hindi na nakakasilaw ang kanyang balat. “Nagsimula ito sa shooting ng My Neighbor’s Wife,” sabi niya. “Maganda ba? Sabi rin ng lola ko (kamamatay na lola), mas maganda nga raw ang ganito,” sagot ng sexy actress pagkatapos ng presscon ng Daldalita. Pang-tatlong programa na niya ito. Nasa Bubble Gang at Showbiz Central.
Eh kumusta naman ang love life niya? Anong latest sa kanila ni Boy2 Quizon? “Siya talaga ang pinaka-close sa akin ngayon. Siguro darating doon,” kuwento niya na ibig sabihin ay darating sa puntong magiging sila.
Business partner daw kasi niya si Boy2. Meron silang kumpanya, Brown Sugar Production na merong opisina sa Makati.
Ka-partner din nila sa kumpanya si Bullet Jaloslos at may iba pa. Meron din silang foreign counterpart.
In fact, pag wala siyang showbiz commitment, nag-oopisina siya para personal na mag-asikaso. Millions ang investment niya sa nasabing production company.
Bukod sa Sugar Brown, nag-build and sell na rin siya ng mga bahay. Tatlong project na ang napagawa at nabenta niya kaya ngayon ay sineseryoso na niya ang pagpapagawa ng house at saka niya ibebenta.
Pinaka-huling property na ibinenta niya ay ang sa Corinthian Garden. Malaki ang lot na nabili ng sexy actress na pinatayuan niya ng bahay. “Actually, may mga bumibili talaga. Siguro sa feng shui, suwerte ‘yung lugar,” sabi niya sa tsikahan noong Martes ng gabi.
Naghahanap pa rin siya ng lot na puwedeng patayuan ng building.
Samantala, wala na sa plano ni Rufa Mae na mag-asawa. Ang rason niya – hindi niya kayang may kasama ng 24 hours o kahit 8 hours man lang. May mga nag-advice sa kanyang mag-anak na lang at ‘yun ang pinag-iisipan niya kung ok sa kanya.
Si Boy2 na ba ang posibleng maging ama ng magiging anak niya? Natawa siya.
Isa si Rufa Mae sa pinaka-mayamang artista. Sa Hermes bag pa lang niya, malaking datung na ang naipon niya.
Thirteen ang Hermes niya. “Si Jinkee (Pacquiao) 14,” sabi niya.
Dalawa lang sa 13 na mamahaling bag niya ang bigay at ang 11, binili niya.
At napaamin din namin siya kung sino sana ang mapapangasawa niya. In fairness sinabi niya. ‘Wag nga lang daw isulat. ‘Yun na nga ‘yun. At mukhang tama ang desisyon na ‘wag ituloy ang kasal nila.
Direk Lauren umaasang si Sharon pa rin ang host ng susunod na Biggest Loser…
Nagkaroon ng Thanksgiving celebration ang Pinoy Biggest Loser Pinoy Edition kahapon kasama ang Fab 5 – Larry, Art, Raffy, Hazel, and Angel.
Ibinigay na rin sa lima ang kani-kanilang mga prizes. In fairness, hindi man nanalo ang apat, meron silang tig-P500,000 minus tax. Pero ang pinaka-achievement nila talaga ay ang pagpayat na kung nagbayad sila sa gym o nag-diet or nagpa-opera, malamang hindi ganun lalabas ang pagpayat nila. Bongga talaga ang naging resulta. Nag-iba ang mga hitsura nila nang lumabas sila sa Big Loser camp.
Si Larry na big winner, tinanggap na ang susi ang napanalunang condo worth P3.8 million, P1 million cash at kung anu-ano pa.
Dahil sa tagumpay ng unang edition ng PBL, definite na ang season 2 nito. Mismong ang unit manager ng programa na si Direk Lauren Dyogi ang nag-confirm.
Double ang concept next season at meron silang artista na tinarget, pero bumagsak ito sa medical.
Si Sharon (Cuneta) pa ba ang magiging host ng season 2?
“Hopefully. Mag-stay siya with us. Mahal naman niya kami,” sagot ni Direk na medyo natatawa. “Alam naman natin na may co-manager na siya,” he added.
Balitang before the end of the year, expired na ang contract ni Mega sa Kapamilya at malakas ang ugong na lilipat na ito sa TV5.
Pero may gagawin naman itong pelikula na siya (Direk Lauren) ang director, ang Call Center. Balita ni Direk, makakasama ni Mega sa pelikula sina Gerald Anderson, Maja Salvador, Julia Montes, Enrique Gil, at Xyriel Manabat.
Wait tayo kung si Mega pa rin ang magiging host nila. Sa summer papasok ang bagong season ng PBL.
Ay ang isa pa nga palang abangan ay kung babalik sa dati ang katawan ng mga nanalo. May contract silang pinirmahan sa ABS-CBN so magiging visible sila sa mga shows ng Kapamilya Network.
Si Art nga may pelikula na. Kasama siya sa movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Nag-shooting na siya the other day.
- Latest