Fans nina Sarah at John Lloyd nag-emote sa kita ng No Other Woman
Nag-e-emote ang mga fans nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz dahil hindi nila ma-take ang news na ang No Other Woman ang highest grossing Filipino film of all time.
Paano raw mangyayari ’yon eh mas mahal naman ang bayad ngayon sa tickets kesa noong 2008, ang taon nang ipalabas ang Sarah-John Lloyd movie.
May punto ang mga emoterang fans nina Sarah at John Lloyd. Mas tama yata ang pralala na ang No Other Woman ang highest grossing Filipino film ng 2011 pero hindi pa rin ito tiyak dahil baka mas pilahan ang mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.
Hintayin muna natin ang January 2012 para malaman ang Pinoy movie na talagang tinangkilik ng mga Pinoy.
Kasal ni Derek, natabunan na!
Happy ang kampo ni Derek Ramsay dahil kumita sa takilya ang No Other Woman. Ang feeling nila, kinalimutan na ng mga tao ang mga intriga tungkol sa pagpapakasal niya noon.
Dahil sa success ng No Other Woman, may plano ang Viva Films na bigyan ng bagong movie project si Derek na mapapanood din sa Praybeyt Benjamin.
Ang Viva Films din ang co-produ ng comedy film ni Vice Ganda.
Mikael at Gardo ‘di Nababakante!
Tsugi na ang mga karakter nina Mikael Daez at Gardo Verzosa sa Amaya pero dumating sila sa Thanksgiving Mass at party na idinaos sa 17th floor ng GMA 7 noong Huwebes.
Hindi malilimutan ni Mikael ang Amaya dahil ito ang kauna-unahang primetime show niya sa GMA 7. Nalungkot nga siya nang patayin ang kanyang karakter dahil inilagay siya sa sisimulan na show nina Rhian Ramos at Dingdong Dantes.
Hindi naman nawawalan ng show sa GMA 7 si Gardo. Nang matsugi ang karakter niya sa Amaya, tumawid agad ang aktor sa Ikaw Lang ang Mamahalin, ang new afternoon drama show ng Kapuso Network.
Nawala man siya sa Amaya, magiging masaya pa rin ang Christmas at New Year ni Gardo dahil sa kanyang regular show sa GMA 7.
‘Now’ bukambibig ng mga bading sa parlor
Kahit may mga nagpoprotesta, magandang sign para sa local movie industry ang box-office success ng No Other Woman.
Inspired uli ang mga movie producers na gumawa ng mga magagandang pelikula dahil bumabalik na ang tiwala ng mga moviegoers sa local film industry.
Hindi ko pa napapanood ang No Other Woman pero favorite topic ito ng mga nakakasalamuha ko sa parlor ni Bambbi Fuentes at maging si Bambbi. Wala silang bukambibig kundi ang kabonggahan ng pelikula.
- Latest