^

PSN Showbiz

Bubble Gang 4 x 4 ang katatawanan

-

MANILA, Philippines - Sa labing anim na taong pangunguna ng Bubble Gang sa pagbibigay ng katatawanan at kasiyahan, siguradong hindi nila bibiguin ang mga manonood sa mga inihanda nilang sorpresa at kaeskuwelahan sa kanilang 2-week anniversary episodes.

Ang nasabing anniversary ay pinamagatang Bubble Gang 4 x 4 dahil sisi­guraduhin nilang 4 x 4 na kasiyahan at walang patid na halakhakan ang handog ng Bubble Gang barkada na sina : Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, An­tonio Aquitania, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon, Diego, Moymoy Pa­laboy, Myka Flores, kasama ang Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Za­mora, Ellen Adarna at Sam Pinto.

Sa News Balita, ihahatid ng comedy duo na sina Ogie Alcasid at Michael V. ang awit ni Lady Gaga bilang isang news item at ita-translate nila ito sa Filipino.

Paiinitin naman ng hindi mapatumbang si Boy Pick-Up ang anniversary episodes sa mga hinanda niyang pick-up lines na bibihag sa mga puso ng bawat Pinoy.

Huwag ding pahuhuli sa inaabangang paghaharap nina Cheche at Angelina. May pa-istaran kayang magaganap? At sino kaya sa kanila ang mas sikat?

Makikisaya rin sa Bubble Gang 2-week anniversary special ang mga Kapuso News personalities na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Kapuso Stars na sina Heart Evangelista and Dennis Trillo.

Samantala, magbabalik-tanaw ang Bubble Gang 4 x 4 sa koleksiyon ng mga pinasikat nilang famous lines mula sa di malilimutang TV commercials sa nakalipas na labing-anim na taon.

Ipapalabas ngayong October 14 at 21, 2011 pagkatapos ng Inside Protégé sa GMA 7.

ARNOLD CLAVIO

BOY PICK-UP

BUBBLE GANG

ELLEN ADARNA

GWEN ZA

HEART EVANGELISTA AND DENNIS TRILLO

INSIDE PROT

JACKIE RICE

MICHAEL V

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with