^

PSN Showbiz

Bea wala nang interes hanapin ang ama, relasyon kay Zanjoe inamin na sa wakas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

In love nga si Bea Alonzo. Kita sa hitsura niya. Anim na buwan na kasi pala silang on ng aktor na si Zanjoe Marudo na nag-umpisa lang sa joke hanggang maging seryoso na. In fact, nagbigay na si Zanjoe ng statement sa previous interview na ready na raw siyang ibahay ang girlfriend na ang sagot naman ni Bea ay magkaroon muna siya ng bahay.

Bukod kay Zanjoe, malaking factor sa pagpayat niya ang Cohen Diet. “Si Zanjoe ang nag-e-encourage sa akin. Kasi tuwing magbibihis ako, let say manonood kami ng sine, ang tagal ko kasi panay ang reklamo ko. Sinasabi niya wala naman akong ginagawa,” susog niya

Pero ayaw sabihin ni Bea ang vital statistics niya ngayon. Basta ang isang sinabi niya sa birthday presscon niya kahapon, magli-level up na siya sa susunod niyang project na ididirek ni Olive Lamasan. “Medyo mapangahas na role. Not in a sexual way,” paniniguro niya.

At andun pa rin naman daw ang limitations niya. “Hindi mawawala ang limitations. Punung-puno ako nun,” dagdag niya.

Samantala, hindi na pala siya nag-e-effort na hanapin ang kanyang amang British. “Nagkaroon ako dati ng urge kasi naiinggit ako kina Angelica Pa­nganiban. Pero natakot akong ma-reject. Pagdating sa aspect na ‘yun, takot ako. So kung destined na magkita kami, magkikita kami. Ipagdarasal ko na lang,” sabi niya.

Sa Oct. 17 ang 24th birthday niya pero last Oct. 8 ay nagpa-party na si Bea na hindi niya ini-expect na umabot sa almost 500 ang nag-attend. “Hindi ko talaga ini-expect na umabot sa ganun karami. I felt meron talaga akong mga kaibigan sa showbiz,” kuwento ng aktres na hindi techie as in hindi siya mahilig sa chat, wala siyang twitter account kaya pinupuntahan na lang niya ng personal ang mga fans niya.

Birthday wishes niya : “Sana lahat ng decision ko sa buhay, tama lahat. Sana ‘wag din akong maging impulsive.”

Aalis din sila ni Zanjoe kasama ang dalawa nilang kaibigan pa-Korea next week. One week silang mag-i-stay sa nasabing bansa na matagal na niyang gustong puntahan. “Ang tagal ko nang gustong pumunta doon. Everytime na napapanood ko ’yung mga Koreanovela, talagang parang ang ganda-ganda,” sabi ng aktres.

Saka every birthday naman daw talaga niya, nagta-travel sila. Last year lang hindi. 

Eh paano kung mag-propose si Zanjoe sa Korean?

“Gusto kong ikasal ng 29 ako, so alam na niya ang magiging sagot ko.”

Sa TV, may gagawin silang project ni John Lloyd Cruz pero next year pa ipalalabas.

vuukle comment

ANGELICA PA

BEA

BEA ALONZO

COHEN DIET

JOHN LLOYD CRUZ

NIYA

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with