^

PSN Showbiz

Pinagmulan nina Robin at Vhong sa showbiz, hahalukayin

-

MANILA, Philippines - Bago nanaig bilang Binoe at Mr. Suave sa industriya, paano kaya naki­pag­sapalaran ang ngayong tanyag nang sina Robin Padilla at Vhong Navarro?

Ngayong Huwebes (Oct 13) sa Us Girls, ibabahagi nina Robin at Vhong ang kanilang pinagmulan at pinagdaanan bago narating ang inaasam na kasikatan.

Bukod pa riyan, gugunitain din ng bantog na fashion designer na si Frede­rick Peralta kung paano niya ginapang ang tugatog ng tagumpay mula sa pagiging tindero ng diyaryo at isda.

Samantala, bibisitahin nina Iya Villania, Angel Aquino, at Chesca Garcia-Kramer ang Marikina para alamin kung paano nagsimula ang paggawa ng sapatos sa bansa. Tingnan kung ano ang itsura ng pinakaunang sapatos na nagawa sa shoe capital ng ‘Pinas.

Bibiyahe rin ang Us Girls sa buong lungsod para balikan ang pinagmulan ng ilan sa mga paborito nating kainin – ang sisig, kakanin, at pansit.

Lahat ng iyan sa Us Girls ngayong, 9:30 p.m. sa Studio 23.

ANGEL AQUINO

BIBIYAHE

BUKOD

CHESCA GARCIA-KRAMER

IYA VILLANIA

MR. SUAVE

NGAYONG HUWEBES

ROBIN PADILLA

US GIRLS

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with