Kahit alam na ng lahat, Mariel ginagawa pang pahulaan!
Para namang pinaglalaruan ng TV5 ang mga manonood. Alam na alam na ng lahat na si Mariel Rodriguez ang bagong co-host ng Wil Time Big Time pero patuloy pa rin ang plugging nila tungkol dito, pinahuhulaan pa rin kung sino siya. Nanghihinayang ba sila sa pagpapagawa ng plugging nito at gusto nilang i-maximize ang paggamit dito?
Samantala, kahit may bagong co-host si Willie Revillame ay ‘di pa rin niya puwedeng ipagkagtiwala rito ang paghu-host ng show.
Mo ginugulo na naman si Rhian
Hindi pa rin pala nakaka-move on si Mo sa hiwalayan nila ni Rhian Ramos. Balitang labis daw ang pagaseselos nito kay Frank Magalona na napapansinan ng marami na nagkakaroon na ng feelings sa kanyang ex. Ang siste mo pa, mukhang reciprocated ang feelings ng kapatid ni Maxene who is guwapo, edukado, at mukhang maaasahang magtanggol kay Rhian.
Matatandaan na it was Mo who almost destroyed ng career ni Rhian na matagal nitong inalagaan.
Ogie at Mani naging mag-syota noon
Tingnan mo nga naman at magkakaroon ng serye ang dating nagligawang sina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes. Binigyan sila ng isang sitcom ng GMA 7 kasama ang child star na si Jillian Ward.
I’m sure, magiging katuwa-tuwa ang show dahil parehong magaling magpatawa sina Ogie at Mani at, mind you, may chemistry sila.
- Latest