^

PSN Showbiz

Wondergays nagbabakla-baklaan lang?!

- Veronica R. Samio -

After the huge success of Baywalk Bodies na hindi na gaanong aktibo ngayon dahil kung hindi pamilyado na ang maraming miyembro ay masyado nang lumaki ang mga ulo para makaya pang dalhin ng kanilang manager na si Lito de Guzman. Kaya ang ginawa nito ay bumuo ng isang alternatibong grupo na muli ay bibigyan niya ng panahon para mapasikat at maging bahagi ng mundong ma­tagal na siyang kabilang. Tinawag niya itong Wondergays.

 Sexy din naman ang anim na miyembro ng bagong grupo na binubuo niya, ’yun nga lamang hindi sila mga tunay na babae. Gaya nang isinasaad ng kanilang pangalan, mga bakla sila – bading, bayot, binabae, o anumang tawag sa kani­la ng lipunan — pero bukod sa nakatutuwa silang pa­no­orin, may mga boses namang inaasahang magbi­bi­gay sa kanila ng kasikatan. Sa Oct. 18, sa Zirkoh Mo­rato, Quezon City, gaganapin ang kanilang kauna-unahang major concert.

Pinamagatang May Nag-tweet, ipamamalas ni­na Blue, Pink, Gray, Yellow, Green, at White ang ta­lent na inaasahan nilang magdadala sa kanila sa tagumpay. Nang tumawag ng audition si De Guzman para sa bubuuin niyang grupo, pinaka-pangunahing requirement niya sa sasali ay kailangang kumakanta ito. Suwerte niya na ang anim ay hindi lamang nakakakanta kundi talagang puwedeng bumirit, sumayaw, at magpatawa.      

Sa May Nag-tweet, may mga hunks na panauhin ang Wondergays na kinuwestiyon sa presscon ng kanilang concert kung totoong bakla lahat o nagbabakla-baklaan lamang. Nalaman kasi na may apat na anak na si White at bago ito naging certified Wondergay ay naging isang macho dancer muna.

 Bukod kina Polo Ravales, Frank Garcia, Ahron Villena, at Baron Geisler, imbitado rin bilang guest sa concert ang Mocha Girls.

Buy na agad kayo ng tiket dahil selling like hot cakes ito.

 Tawag na kayo 441-1276, 413-6791, at baka may maabutan pa kayo.

Mini serye ni Nora nakakatulugan na lang

 Tama rin ’yung obserbasyon ng marami na malaki ang epekto ng pag-o-overtime ng programang Wil Time Big Time sa seryeng Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor. Nakakatulugan na ng marami ang paghihintay sa serye. Kaya itinutuloy na lang nila ang pagtulog. ’Yung mga fans ni Nora ay baka nakapagtatiyaga pa pero paano ’yung hindi? Paano ’yung gusto lamang ay makita kung tunay ngang kapuri-puri ang isang Nora Aunor bilang artista?

vuukle comment

AHRON VILLENA

BARON GEISLER

BAYWALK BODIES

DE GUZMAN

FRANK GARCIA

KAYA

MAY NAG

NORA AUNOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with