^

PSN Showbiz

Azkals laos na, ticket sa laban ipinamigay na lang

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mukhang lipas na talaga agad ang panahon ng Azkals.

Imagine kahapon, nagtatawag ang organizer ng laban nila sa Nepal. Wala raw kasing bumili ng mga ticket at para mapuno ang venue - ang Rizal Memorial Football Stadium, biglang naisipan nilang ipamigay.

Ang kaso biglaan kaya ang ending, hindi pa rin pinatulan ng mga tinawagan.

Grabe ang bilis ng panahon ng Azkals.

Parang kailan lang na nagkakagulo ang buong bayan na mapanood nila sa AFC Challenge Cup, an annual international football competition.

Ang kaso natalo sila sa Mongolia kaya good­bye na sila para sa FIfa World Cup Asian Qualifiers sa 2014.

Edu nasa tabi-tabi lang!

Andiyan lang naman pala sa tabi-tabi si Edu Manzano, nagri-ready para sa gagawin niyang programa sa TV5.

Any moment daw ay sisimulan na ng TV host ang programa niya sa Kapatid Network.

Marami nang naghahanap kay Edu dahil ang tagal na nga niyang hindi napapanood sa TV.

TV Host nanggagamit?

Ginagamit nga ba ng isang TV host ang isang prog­rama para mapag-usapan?

Nauubusan na raw kasi ng issue ang TV host dahil gasgas na ang pagtulong niya sa kapwa kaya naman target nitong makipag-chummy chummy sa dating mga kalaban para naman maging friends sila at ang ending ay pag-usapan.

Well, hindi natin sure. Puwedeng tama, puwedeng mali ang iniisip ng iba.

Sen. Loren namimigay ng libro tungkol sa climate change

Namimigay ng librong Message of Our Times si Sen. Loren Legarda. Kasama sa libro ang kanyang letter na sana raw sa pamamagitan ng librong ‘yun ay ma-educate ang marami sa atin sa nangyayaring climate change.

“It is my hope that this book will educate our people about climate change and encourage everyone to be involved in efforts to combat the ill effects of climate change and make our communities disaster resilient. With our shared aspiration of deepening our people’s understanding of these issue, I hope we can work together to ultimately help them reap the benefits of initiatives that have gained ground with increased partnerships between stakeholders, steered by leaders,” sabi niya sa sulat.

May copy din siya na pinadala ng Disaster Preparedness and First Aid Handbook. Very useful ang nasabing handbook.

Kanta ni KC bagay sa kanyang ‘pag-iisip’

Parang swak ngayon kay KC Concepcion ang hit song niyang Not Like the Movies na kasama sa last album niya na ni-release.

Kasalukuyang nasa Europe si KC para magbakasyon.

I’m your average dreamer I’m a true escapist Always expecting a happy ending Maybe I’ve been watching Too many movies

Maybe I should grow up And stop pretending When I saw your face though Everything was slow-mo And I started wondering why...

Why can’t it be Just a pathway full of roses

Leading to a sunset view Where the one you’ve always dreamed of waits Why can’t it be It was like a movie scene

The way I felt for you.

Only you, didn’t fall Now it’s not like the movies at all

Personal…

Maraming salamat kay Mr. Arnel Bautista ng Land Transportation Office sa SM North EDSA. In fairness, ang bilis na pala ngayong mag-renew ng driver’s license. Thirty minutes lang, ayos na. Thanks again Mr. Bautista.

ARNEL BAUTISTA

AZKALS

CHALLENGE CUP

DISASTER PREPAREDNESS AND FIRST AID HANDBOOK

EDU

EDU MANZANO

KAPATID NETWORK

MAYBE I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with