^

PSN Showbiz

Pinag-aralan sa Amerika kinalimutan, LT hindi itinuloy ang pagdidirek dahil kay Eric

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kahapon ang first taping day ni Lorna Tolentino para sa Glamorosa, ang teleserye ng TV5 na pinagbibidahan niya.

Maaga ang calltime ni LT sa Nueve de Pebrero, Mandaluyong City. Mabuti na lang, malapit ang taping location sa bahay niya sa White Plains, Quezon City.

Si Eric Quizon ang direktor ng Glamorosa. Co-stars ni LT sa teleserye sina Alice Dixson, Zoren Legaspi, Mart Escudero, Celeste Legaspi, at Tonton Gutierrez.

Excited si LT sa Glamorosa dahil magkakasama uli sila ni Eric sa trabaho. Kung matatandaan ninyo, sina LT at Eric ang mga bida sa pelikulang Pusong Mamon na hindi natapos ni Joel Lama­ngan dahil nagkaroon ito ng sakit sa puso.

Si Eric ang nag-take over kay Joel bilang direktor ng project at dito na-witness ni LT ang passion sa work ng anak ni Mang Dolphy.

Naka-encounter noon si Eric ng maraming problema habang ginagawa nila ang Pusong Mamon at siya ang dahilan kaya hindi na itinuloy ni LT ang dream na maging direktor.

Nag-aral si LT ng filmmaking sa US pero hindi niya pinangarap na maranasan ang stress na naram­daman ni Eric kaya nag-focus na lang siya sa acting.

Yasmien nanibagong umarte

Nanibago si Yasmien Kurdi nang mag-taping siya para sa Amaya noong nakaraang linggo.

Nag-concentrate si Yasmien sa pag-aaral kaya matagal na hindi siya umarte sa harap ng mga kamera.

Dalawa ang project na offer ng GMA 7 kay Yasmien pero pinili nito ang Amaya. Tinanggap niya ang guesting dahil tumapat ito sa semestral break ng school na kanyang pinapasukan.

Gumamit ng hair extension si Yasmien sa mga eksena niya sa Amaya dahil maigsi ang kanyang buhok ngayon.

Ogie first time sa teleserye

Ngayong gabi ang grand presscon ng Daldalita, ang bagong primetime show ng GMA 7 na mapapanood, bago ang 24 Oras.

Sa title pa lang, obvious na si Jillian Ward ang bida sa Daldalita na kung hindi ako nagkakamali eh unang teleserye ito ni Ogie Alcasid.

Huling napanood si Jillian sa Captain Barbell pero kahit natapos ito, hindi nawalan ng ginagawa ang bagets na tumatamlay ang pakiramdam kapag walang taping.

Nasanay si Jillian na may ginagawa kaya siya pa ang nagtataka at nagtatanong sa kanyang madir kapag wala silang taping na pinupuntahan.

Pang-showbiz talaga si Jillian. Parang siya ang future Vilma Santos, Maricel Soriano, Snooky Serna, at Lorna Tolentino na nagsimula ang acting career bilang child star at eventually ay naging mga mahuhusay at respetadong aktres.

Powerful Couple Kabado

Maaga akong aalis ng bahay ngayon dahil may lunch meeting ako sa isang powerful couple na posibleng magpabago sa takbo ng aking lifestyle.

Saka ko na ire-reveal sa inyo ang kanilang identity pero excited ako sa aming   pagtatagpo dahil para akong tindera sa palengke na mag-aalis ng kaliskis ng isda. I’m sure kabado ang aking ka-meeting dahil clueless siya sa mga posibleng maganap.

Siyempre, may connect sa showbiz ang mga tao na kakatagpuin ko at titiyakin ko na magiging productive ang pakikipagtagpo ko sa kanila.

Magpapakuha kami ng litrato na magkakasama para may proof na nagkita kami.

ALICE DIXSON

AMAYA

CAPTAIN BARBELL

CELESTE LEGASPI

DAHIL

GLAMOROSA

JILLIAN

LORNA TOLENTINO

PUSONG MAMON

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with