Juvenile Justice Law pagtatalunan sa Hamon sa Pagbabago
MANILA, Philippines - Mula sa kasalukuyang 15 anyos na itinatakda ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, muling umiinit ang debate kung dapat na bang ibaba ang edad ng may criminal liability at repasuhin ang naturang batas matapos mahuli sa CCTV ang ilang batang hamog o mga menor de edad na nambibiktima ng mga pasahero ng taxi sa Guadalupe, Makati. Kamakailan ipinanukala ni Senate majority leader Vicente Sotto III na ibaba pa sa labing isang taong gulang ang criminal liability; habang siyam na taon naman ang mungkahi ni Senador Francis Escudero. Ngayong Linggo (Oktubre 9), mainit na pag-uusapan ang isyu ng juvenile justice sa NEWS5 Debates Hamon sa Pagbabago, 10:30 ng gabi sa TV5.
Papagitna sa dalawang nagbabanggaang panig ang hepe ng NEWS5 na si Luchi Cruz-Valdes at Atty. Dong Puno.
Sina Parañaque Rep. Roilo Golez, Navotas Rep. Toby Tiangco at si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman Dante Jimenez ang uupo sa panel ng mga payag na ibaba ang edad ng criminal responsibility.
Salungat naman na ibaba sina Laguna Rep. Justin Chipeco, Alliance of Concerned Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at ang Commission on Human Rights chairman na si Loretta Ann Rosales.
- Latest