Resbak ng mag-ina
Mabigat ’yung salitang binitawan ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi hinggil sa isyu sa pagitan ng kanyang inang si Annabelle Rama at Nadia Montenegro sa demanda sa kanyang ina for child abuse. Pinagtatrabaho raw nito ang kanyang mga anak ng higit pa sa itinatalaga ng batas para sa mga menor de edad at pinipilit pagsuotin ng mga damit na hindi bagay sa kanilang edad.
Ayon kay Ruffa, nagmakaawa lamang si Nadia para tanggapin ng mommy niya ang pagma-manage sa mga anak nito. Ayaw na nila itong payagang tumanggap pa ng karagdagang talent. Sapat na ang bilang ng mga kasalukuyang mina-manage nito pero hindi natanggihan ang dating aktres dahil nga kaibigan.
“Ngayon, ang mom ko pa ang palalabasin niyang masama?” sabi ni Ruffa.
Hindi naman iri-release ni Ms. Rama sa limang taong kontrata sa kanya ang dalawang anak ni Nadia. “Wala kang kuwentang nanay. Ang laki ng tulong ko sa babaeng ’yan, ako pa ang pagbintangan?” himutok naman ni Annabelle.
Piolo libre sa pagiging ambassador
Ang galing naman ni Piolo Pascual. Hinirang siya ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) bilang Ambassador for Culture. Bilang unang gawain niya sa NCCA, gagawa siya ng isang infomercial na magpapamalas ng paggalang at pagmamahal sa mga katutubong Pilipino.
Makakasama na si Piolo ng mga naunang piniling ambassadors ng NCCA na sina Dingdong Dantes at Boy Abunda na magagamit ng Komisyon ang popularidad at magandang pangalan para sa promosyon ng sining ng Pilipino ng libre.
Bianca mahilig sa mga John
Hindi pa man sila umaamin ni John Prats pero umamin na silang exclusively dating sila, pero natsitsismis na sa kasalukuyan si Bianca Manalo sa isa pa niyang co-host sa programang Happy Yipee Yehey na si John Estrada! Ang balita pa hina-hunting daw ng boyfriend ng dating beauty queen si John E.
Bakit may iba pa bang lalaki sa buhay ni Bianca ngayon bukod kay John P.? Kung wala, sinong BF niya ang huma-hunting kay John E.? At kung wala, bakit hindi na lang sila sa noontime show magkomprontahan, sa kabila ng telon ang ibig kong sabihin, hindi sa harap ng camera?
Poor, poor Bianca! Bakit ba siya nalalagay sa ganitong mga isyu? Nung una si Rachelle Ann Go ang sinasabing inagawan niya, ngayon naman ay ang misis ni John E. na si Priscilla Meirelles?
- Latest