^

PSN Showbiz

Sa Ngalan... ni Nora binantayan din ng mga bagets

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakatuon kahapon ang marami sa pagsisimula ng serye ni Nora Aunor sa TV5 na pinamagatang Sa Ngalan ng Ina. Marami sa nanood ang gustong makita kung ganun pa rin kagaling umarte ng aktres na halos isang dekadang napahinga sa pag-aartista simula nang manirahan sa Amerika.

Marami ring bagets ang tumutok sa palabas para lamang makilala kung sino ba itong artistang babae na pinagkakaguluhan ng marami at sinasabing hindi lamang magaling kundi pinakamagaling na artistang Pinay.

Hindi naman sila nabigo, maganda ang simula ng Sa Ngalan ng Ina hindi lamang sa kuwento kundi maging sa acting. Sa takot marahil ng mga bagets na artista na mapag-iwanan ng kanilang mga kasamahan ay nag-effort sila, at wagi naman sila. Magaling sina Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman. ’Yung mga adult, mahuhuli ba sila? Eh nangunguna sila sa pag-arte? Maski ang magaling na si Rosanna Roces, nag-effort para hindi mapahiya sa superstar.

Manny naging demanding kay Isabelle

Si Manny Pacquiao ba ang nagtanggal kay Isabelle Daza bilang co-host niya sa kanyang game show? Totoo kaya na nakukulangan siya sa paghu-host nito? O ito ang pinakamadaling tanggalin when it was first thought of na ipapasok sa show ang misis niyang si Jinkee?

Hindi naman kailangang mataas ang requirement para maging host ng Manny Many Prizes, hindi ba?

Sharon naghahanap ng ibang prospect

Hindi rin ako naniniwala na pera ang dahilan ng balak na pag-transfer ni Sharon Cuneta sa TV5. Baka naman mas maganda ang prospect niya sa kabila? As it is kasi limitado ang programa niya sa ABS-CBN, baka may mga gusto siyang gawin na puwede sa Singko pero hindi puwede sa Dos?

Might as well na gumaya na siya sa mga dati niyang Kapamilya na ratsada ngayon sa TV5. Puwede naman silang magpabalik-balik kung gugustuhin nila.

Si Susan Roces nga, at maging si Richard Gomez, balik ABS-CBN. Eh sila naman ni Lorna Tolentino ang mag-try sa Singko.

Ngayong nasa Singko na exclusively si Nora Aunor at marami nang artista ang lumilipat dito, makakaasa tayo ng mas malalaki pa at magagandang prog­rama. 

 

ALWYN UYTINGCO

EDGAR ALLAN GUZMAN

INA

ISABELLE DAZA

LORNA TOLENTINO

MANNY MANY PRIZES

NORA AUNOR

SA NGALAN

SINGKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with