^

PSN Showbiz

Lea hiwalay na sa asawa?

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Naging proud ang buong Pilipinas sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup bilang third runner-up sa katatapos lamang na Miss Universe pageant na ginanap sa Brazil.

Bukod kay Shamcey ay naging proud din ang mga Pilipino sa pagiging hurado ni Lea Salonga sa nasabing beauty pageant at isang malaking kara­ngalan ito para sa singer. Kamakailan ay isang pagkilala rin ang natanggap ni Lea, ang Disney legend award dahil sa kanyang mahalagang kontribusyon sa mga Walt Disney movies tulad ng Aladdin at Mulan. Malaking bagay ito para sa international singer.

“Mahalaga kasi galing mismo sa Walt Disney company, and it’s given to people who made a significant contribution. Just singing for them is more than enough kasi nakarating ka na rin sa maraming lugar na maraming henerasyon ng kabataan ang makikinig at makakapanood ng pelikulang ’yun. It is valuable,” nakangiting pahayag ni Lea.

Samantala, bukod sa mga karangalang nakukuha ay mayroon din namang intriga tungkol sa kanila ng asawang si Rob Chien. Ayon sa mga balita, ay magkahiwalay na ang dalawa kaya agad nilinaw ni Lea ang nasabing isyu.

“We are fine, and the one thing I can say about my husband is how he is incredibly supportive of me. He understands why I go away kasi kahit nandito kami sa Pilipinas, ’di kami nagkikita dahil marami akong trabahong natatanggap kasi blessings din ’yun eh. Naiintindihan din niya,” paliwanag ni Lea.

John Lloyd nabo-bore na kay Shaina

Nang magtapos ang teleseryeng Imortal noong April ay hindi na muling napanood si John Lloyd Cruz sa mga serye. Ngayon ay gumagawa na ang aktor ng pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Locsin. Ilang maiinit na eksena na ang kinunan sa isang beach sa San Juan, Batangas.

Aminado naman ang aktor na pansamantala muna niyang iiwan ang paggawa ng teleserye. “Sana hindi masyadong matagal. Hindi ko lang alam kung tatapusin ko muna ’tong pelikula bago magsabay or mag-overlap. Timing, hindi ko muna masabi,” pagtatapat ng aktor.

Ano na kaya ang estado ng love life ni Lloydie ngayon? “Ganun pa rin, boring. Nothing new except that we’re doing perfectly fine,” natatawang sagot ng aktor.              — Reports from JAMES C. CANTOS

 

ANGEL LOCSIN

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LEA SALONGA

MISS UNIVERSE

PILIPINAS

ROB CHIEN

SAN JUAN

WALT DISNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with