Mga pasosyal na nag-attend ng isang party parang patay-gutom lumamon
Naloka ang friend ko na dumalo sa isang sosyalan na pinuntahan ng mga artista at mga social climbers.
Naloka siya dahil sa rami ng mga pagkain sa buffet table pero hindi kumakain ang mga invited stars and social climbers.
Wine drinking lamang ang drama ng mga bisita habang nakatutok ang mga TV cameras pero nang umalis ang TV crew, nag-unahan sa buffet table ang mga mapagpanggap na bisita.
Lamon at hindi basta kain ang ginawa ng mga pasosyal na tiniis ang gutom dahil ayaw nila na makunan ng mga camera ang kanilang paglapang.
Rated PG sila for Patay Gutom!
Nadia walang pambayad sa abogado, Annabelle Rama namomroblema
Mainit na mainit pa rin ang isyu ng pagdedemanda ni Nadia Montenegro ng child abuse at oral defamation laban kay Annabelle Rama.
Hindi masasayang ang effort ni Nadia dahil papatulan ni Bisaya ang kanyang hamon.
May hinala si Bisaya na may nagsulsol kay Nadia na magdemanda pero hindi siya affected. Si Bisaya pa na sanay dumalo sa mga court hearings?
Bothered nga pala siya para sa lawyer ni Nadia. Paano raw mababayaran ang abogado nito?
Pati ba naman iyon eh poproblemahin pa ni Annabelle?
Dating aktres na tindera ng prutas nakakataka ang ipinagbago ng buhay
Napanood ko noong Linggo sa Showbiz Central ang story nila tungkol sa dating aktres na si Susan Henson na pagtitinda ng prutas ang ikinabubuhay sa Baguio City.
Maganda pa rin si Susan, kesehodang tumaba at nagkaedad na siya. Orange ang itinitinda niya sa Baguio City at sure ako na lalong magiging mabili ang kanyang mga paninda dahil nakilala siya ng mga tao.
Inabangan ng mga televiewers ang story ng Showbiz Central tungkol kay Susan dahil curious sila kung bakit naging tindera ng prutas ang dating sikat na aktres.
Walang masama sa pagbebenta ng prutas pero palaisipan sa mga tao ang pagbabago ng takbo ng buhay ni Susan.
Fiancé ni Shalani tanggap na sa Valenzuela
Unti-unti nang natatanggap ng mga supporters ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang desisyon nito na magpakasal kay Congressman Roman Romulo sa susunod na taon, kahit hindi sila nagkaroon ng boyfriend-girlfriend relationship.
Shocked ang mga fans ni Shalani nang pumutok ang balita na engaged na sila ni Papa Roman. Understandable ang kanilang pagkabigla dahil ganito rin ang na-feel ko, to think na sanay na sanay na ako sa showbiz.
Nalimutan ko na nga ang pakiramdam ng isang tao na nakaramdam ng shock pero ni-revive ito ni Shalani. Ni-revive raw o!
- Latest