^

PSN Showbiz

Away ng manager datung ang dahilan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang sey ng mga intrigera, datung ang ugat ng misunderstanding ng isang artista at ng kanyang manager.

Impossible dream daw na mag-away ang dalawa dahil sa schedule ng artista. Sa showbiz, pera ang karaniwan na ugat ng paghihiwalay ng mga artista at ng kanilang mga manager. May mga artista na makuwenta at may mga ma­nager na ayaw magpalamang sa kanilang mga talent.

  Matagal na akong nagma-manage ng mga artista. Harbatera ang image ko pero maipagmamalaki ko na never na nagkaroon ako at ang aking mga alaga ng problema sa pananalapi.

Ako pa nga ang madalas na nagpapahiram ng pera kapag in need sila. In need daw o! Teka, singilin ko na kaya sila?

Mga taga-tondo feel na feel si Shamcey

Natuwa ang mga residente ng Baseco, Tondo nang dumalaw si Shamcey Supsup sa kanilang lugar noong Miyerkoles.

Ang Baseco ang isa sa mga lugar sa Maynila na naapektuhan nang husto ng Bagyong Pedring.

Si Manila City Mayor Lim ang nagsama kay Shamcey sa Baseco na ikinatuwa ng mga residente dahil nakakita sila ng hope sa katauhan ng Miss Universe 3rd runner-up.

Tsunami sa Roxas Boulevard ginawa pang background sa piktyuran

Dahil sa cable news, na-witness sa buong mundo ang perwisyo na iniwan ni Typhoon Pedring sa ating bansa, ang mga ari-arian na nasira ng malakas na hangin at ulan, ang mga tao na namatay.

Pero naloka ang buong mun­do sa mga litrato na kuha sa Roxas Boulevard sa gitna ng malalakas at malalaking alon na mala-tsunami ang dating.

Sino ang hindi maloloka sa mga Pinoy na naka-pose pa habang nasa background ang malalaking alon na any moment eh puwedeng maging dahilan ng kanilang pagkatsugi?

Nakuha pa ng mga Pinoy na maglaro at mag-picture taking sa breakwater ng Roxas Boulevard sa kasagsagan ng bagyong Pedring. Only in the Philippines talaga!

Rehab Clinic Dinarayo

Ang Msquare Myotherapy & Rehab Clinic ang madalas na puntahan ng mga sikat na celebrity pero hindi ko na sasabihin ang kanilang mga name para hindi magkaroon ng isyu na nagagamit sila sa publicity.

Basta ang alam ko, regular client ng Msquare Myotherapy & Rehab Clinic ang buong pamilya ni Mr. Tony Tuviera, ang produ ng Eat Bulaga.

Satisfied na satisfied si Mr. Tuviera at ang pamil­ya nito sa services ng rehab clinic na pag-aari ni Rey Sta. Maria, isang mahusay na physical therapist.

Sports & occupational injuries, stifness & pain associated with poor posture, knee, leg and foot pain, chronic back pain, shoulder and neck pain ang ilan sa mga kundisyon na napagagaling ni Rey at ng mahuhusay na physical therapist ng Msquare.

Nasubukan na namin ni Ricky Lo na magpa-treat sa Msquare at very positive ang resulta.

Madaling puntahan ang kanilang clinic sa FVD Building, 7A Granada Street, Barangay Valencia, Quezon City. Malapit ito sa restaurant ni Joel Torre pero bago kayo pumunta, call muna (landline 470-8476 at cell phone number 09173402488 ) kayo dahil sa rami ng kanilang mga pasyente, by appoinment only sila.

ANG BASECO

BAGYONG PEDRING

BARANGAY VALENCIA

BASECO

EAT BULAGA

MSQUARE MYOTHERAPY

REHAB CLINIC

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with