Claudine hataw sa Iglot
MANILA, Philippines - Pabongga ang mga eksena sa Iglot na pinagbibidahan ni Claudine Barretto.
Pag-uusapan nina Vesta, Rica at Janina ang tungkol sa hinala nila kay Mariella at natuklasan na ang ex boyfriend ni Mariella ang pinuntahan nito sa hospital.
Mawawala si Iglot at mapupunta sa truck ng yelo. At hindi nila namamalayan, liliit si Iglot dahil na-stuck sa yelo!
Masasagasaan si Bal sa paghabol kay Ning at isusugod nila Tadel at Gardo si Bal sa hospital.
Pero malubha si Bal!
Maganda ang rating ng programa kaya masayang-masaya si Claudine.
Sun Cellular, naghandog ng libreng tawag
Naghandog ng Libreng Tawag service ang Sun Cellular para sa mga apektadong pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Syria noong September 12 hanggang 16 sa Administration Building ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) sa Pasay Metro Manila.
Kasunod ng mga protesta sa Syria, nakiisa ang Sun Cellular sa pag-aksiyon ng National Telecommunications Commission at ng OWWA para matulungan ang mga pamilya ng mga OFWs na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay na kasalukuyang naka-base sa mga apektadong lugar.
“Alam namin na nag-aalala ang mga OFW families sa mga kamag anak nila na nasa Syria kaya hangad namin na makatulong sa kanila sa pamamagitan ng libreng tawag services na ito,” pahayag ni Atty. Bill Pamintuan, Senior Vice President for Legal Services ng Digitel, and mother company ng Sun Cellular.
Kasabay ng pagtulong na ito sa mga OFWs, ang Sun Cellular din ang kasalukuyang nag-aalok ng mga pinakamababang rates ng mobile International Direct Dialing (IDD) sa ilang select destinations kasama na ang United States.
Sa halagang P2 lang, maaaring tawagan ng mga subscribers ang kanilang mga mahal sa buhay abroad. Kabilang din sa mga serbisyong ito ang libreng international texts gamit ang call back service, special prepaid IDD SIM at mga budget roaming services.
Mga guro pararangalan!
Isa sa mga marangal na propesyon ang pagtuturo kaya naman ang October 5 ay itinakdang Teachers Day.
Sa Sabado (alas onse ng umaga sa GMA News TV) sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ay bibigyang-parangal ang mga kakaibang guro na humubog sa mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Alam n’yo bang nagtuturo si Tetchie Agbayani sa St. Joseph’s College? Ibibida ng seksing aktres ang mga karanasan niya sa eskuwela lalo na’t parang ‘di malimot ng kanyang mga eskuwela ang paglabas niya sa bold movies.
Super-choreographer ang taguri kay Geleen Eugenio dahil siya ang nagturo sa mga sikat ng mga dancesteps sa pelikula at telebisyon. Ilan sa mga nagdaan sa kamay ni Tita Geleen ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Alma Moreno, Maricel Soriano, at Sharon Cuneta.
Binigyan-karangalan naman si Efren Peñaflorida dahil sa pagtuturo niya sa mga bata sa malalayung lugar sa kanyang Education On Wheels. Kilalanin natin ang dakilang si Titser Efren.
Mahirap lang noon ang buhay kaya ‘di natupad ang pangarap ni Mader Ricky na pumasok sa isang beauty school. At ngayong nakamit na niya ang tagumpay ay nagtayo siya ng Ricky Reyes Learning Institute kung saan tinuturuan ang mag-aaral ng hairdressing, cosmetology, dressmaking, tailoring, hotel and restaurant management, bartending at waitering. Buong-lugod niyang ipakikilala ang mga successful graduates ng RRLI.
Itatampok din ang TREEbute To Teachers, isang tree-planting event ng SMASH sa Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan. Ang bawat puno’y ipinangalan sa titser na nagtanim ng binhi nito.
Tutok lang lagi sa LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision.
- Latest