Korean pop star magko-concert sa Manila para sa human trafficking
MANILA, Philippines - Ang MTV EXIT (End Exploitation and Trafficking) campaign ay magkakaroon ng live concert sa Manila sa Oct. 29 sa Mall of Asia para sa pakikipaglaban sa human trafficking.
Ito ngayon ang mukha ng modern day slavery. Ang United Nations (UN) ay nag-estima na mayroong 2.5 million na biktima ng pang-aalila o pagkakalakal ng tao sa buong mundo, ang karamihan ay mula sa Asia and the Pacific at kabilang na ang Pilipinas.
Tampok sa libreng pagtatanghal sa SM Mall of Asia si Jay Park, dating leader ng Korean boyband 2PM. Nananatiling No. 1 sa trending topic sa Twitter ang multi-talented megastar dahil sa malaki niyang fan base.
Darating din ang alternative band mula California, ang Evaline, para sa MTV EXIT Live Manila Concert. Nakakasama na sa mga concerts ng Coldplay, My Chemical Romance, at Linkin Park.
Makakasama rin uli ang mga magagaling na local bands sa concert tulad ng nangyari noong 2009.
Sa Asia Pacific, ang MTV EXIT ay produced ng MTV EXIT Foundation sa pakikipag-partner sa US Agency for International Development (USAID) at sa Australian Government’s Agency for International Development (AusAID).
“We are thrilled to be coming back to continue our campaign against human trafficking in the Philippines,” sabi ni Matt Love, campaign director ng MTV EXIT.
Ang MTV EXIT at Visayan Forum Foundation ay magkakaroon muna ng National Youth Summit para sa Movement of Anti-Trafficking Advocates isang linggo bago ang concert.
- Latest