Libing ng asawa ni Camille na-delay!
PIK: Iniurong na ni Jennylyn Mercado ang kasong Falsification of Public Documents na isinampa nito noon laban sa dating personal assistant o PA niyang si Mel Pulmano.
Matagal nang tumatakbo ang kasong ito at ayaw na itong ituloy ni Jennylyn dahil gusto na rin nitong magkalimutan na at mag-move on na. Hindi dahil sa natatakot siyang matalo sa kaso.
Marami nang dapat ipagpasalamat si Jennylyn sa magandang takbo ng kanyang career kaya gusto na niyang kalimutan ang mga kasong nakabinbin at bahala na raw ang Diyos sa lahat nang ginawa ni Mel.
PAK: Kahit bumabagyo kahapon, itinuloy pa rin ng TV5 ang contract-signing event ni Lorna Tolentino na ginanap sa EDSA Shangri-La.
Muntik-muntikan na nilang i-cancel ang contract-signing dahil signal No. 2 ang bagyong Pedring sa Metro Manila pero willing talaga si LT na ituloy ito kahit wala pang ilaw sa kanila.
Isang taon ang pinirmahang kontrata ni LT sa TV5 at sisimulan na nito ang bagong drama series na Glamorosa at makakasama sina Alice Dixson, Zoren Legaspi, at Tonton Gutierrez.
Si Eric Quizon ang magdidirek nito at pinaghahandaan ito ng husto ng Channel 5 para maging glamorosa talaga ang dating ng bagong drama series nila.
BOOM : Itinuloy nina Camille Prats ang libing sa kanyang asawang si Anthony Linsangan. Nung una ay nag-isip silang huwag ituloy dahil sa malakas na pagbayo ng bagyong Pedring kahapon.
Nagkaroon muna ng misa sa Heritage Memorial Park.
Hindi inalintana ng mga malalapit na pamilya at kaibigan ang bagyo, nagpuntahan pa rin sila sa Heritage Memorial Park para makiramay sa misa ng libing ni Anthony.
- Latest