Sen. Bong tinatawag nang Mr. President!
Mr. President na ang tawag ng marami kay Sen. Bong Revilla, Jr. na dinumog ang nakaraaang birthday celebration na ginanap sa isang five-star hotel. Ngiti lamang ang reaksiyon ng may kaarawan na talaga namang akala mo ay hindi 40 plus dahil may candle-blowing ceremony pa ang party na dinaluhan ng kanyang pamilya, kaibigan, kapwa pulitiko, media, kapwa artista, at marami pang iba.
Tunay na nakapag-establish na ng kanyang fan base ang senador na makakatulong sa kanya in the future kapag nagdesisyon siyang tumakbo sa mas mataas pang posisyon. Nag-spill over sa poolside ang mga well wishers na dapat sana ay contained lamang sa ballroom pero sa kabila ng maraming bisita, never na nagkulang sa pagkain ang buffet table.
Bumaha rin literally ng alak pero parang wala akong nakitang nalasing dahil siguro napakaganda ng hangin sa poolside na kung saan napanood ang film clip tungkol sa development ng isang karaniwang aktor na kinilala sa kanyang trabaho, at later on sa pagiging isang movie producer.
Naaliw ang lahat sa ipinalabas na trailer ng Ang Panday 2 na maganda ang special effects, nakakatuwa ang mga eksena ni Panday at Bagwis, ang selosang flying dragon, ’yun nga lang parang hindi human ang mga character, matangi kay Bong, mukha silang fairy, kasama na si Marian Rivera. Sa mga ipinapanood nila, obvious na hindi madedehado ang pelikula sa December filmfest.
Vilma excited nang mag-indie
Hindi pa man batid ni Gob. Vilma Santos ang pagkakasali ng Isda sa Toronto Film Festival ay nanghinayang na siya na hindi niya ito natanggap at nagawa.
Pero ang palaging sinasabi niya ay gustung-gusto niyang gumawa ng indie film. Ipinagpapalagay na lang niya na marahil ay hindi pa ang Isda ang nakatakdang gawin niya na naibigay naman sa mahuhusay ding artista tulad nina Cherry Pie Picache at Anita Linda. Hindi nakasama sina Cherry Pie at Anita sa Toronto filmfest pero dumalo ang direktor na si Adolf Alix, Jr. at Evelyn Vargas na kasama rin sa cast ng pelikula na kuwento ng isang babae na nagluwal ng hito.
Mga alahas ng nanay ni Derek ipinahihiram kay Angelica
Wala naman palang dapat ika-insecure si Angelica Panganiban sa relasyon nila ni Derek Ramsay. Ang aktor mismo ang nagsabi during the presscon of No Other Woman na tanggap ng pamilya niya ang dalaga. Katunayan, ipinagkatiwala ng kanyang ina kay Angel ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas nito during the Star Magic Ball.
At hindi biro ang halaga ng mga ito pero hindi ito natakot na ipagkatiwala sa girlfriend ng kanyang anak bilang patunay ng kanyang pagtitiwala, pagmamahal, at pagtanggap sa aktres.
- Latest