Dennis at Bianca nakabuo na ng relasyon
PIK: Ipinagbabawal pa rin pala ni Robin Padilla na pag-usapan ang relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Abala ngayon si Kylie sa promo ng bagong season ng Tween Hearts na kung saan ipakikilala ang bagong cast ng naturang teen show.
Pero nahirapan ang young actress mag-promote dahil si Aljur pa rin ang pinag-uusapan.
Kaya pinapakiusapan na niyang iwasan na ang mga tanong tungkol kay Aljur dahil magagalit na naman ang papa niya.
Pero kasali si Aljur sa pelikulang Mr. Wong ni Robin Padilla na entry sa Metro Manila Film Festival.
Magkasama rin sila ni Kylie rito. Maaaring sa promo ng pelikulang ito, puwede nang pag-usapan ang relasyon ng dalawa.
PAK: Hiyang-hiya si Bernard Cloma sa mga kausap niya sa Pagadian City dahil sa hindi nito nadala si Cogie Domingo na isa sana sa mga guest artists sa opening ng bagong mall doon.
Matagal na palang tinutulungan ni Bernard si Cogie para makabalik ito sa dating sigla ng kanyang career kaya iniraraket niya sa mga provincial shows gaya nitong sa Pagadian nung nakaraang Biyernes.
Pero kinuha lang pala ni Cogie ang downpayment at hindi sila sinipot sa airport.
Hiyang-hiya si Bernard kay Mayor Samuel Co ng Pagadian City, kaya nag-i-emote sa kanyang Twitter account.
Nag-tweet itong gusto na niyang uminom ng lason sa sobrang kahihiyan.
BOOM: Totoo kayang nakarating na kuwento sa aming may namumuong relasyon na kina Dennis Trillo at Bianca King?
Hindi na bago ang ganitong style kay Dennis na madaling ma-in love sa leading lady niya.
Katambal ni Dennis si Bianca sa Sinner or Saint at madalas silang magkasama sa taping kaya malaki ang posibilidad na magkadebelopan nga.
Very reliable ang nagkuwento sa aming madalas na magkasama ang dalawa at mukhang hindi lang ito date-date lang. Tila seryoso na ang relasyon.
Abangan na lang natin kung aamin ang dalawa.
- Latest