^

PSN Showbiz

Camille hindi dapat bumigay!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang aking mataos na pakikiramay kay Camille Prats sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa sakit na kanser.

Alam kong napaka-sakit na pangyayaring ito kay Camille na sa murang gulang ay nabiyuda na. Pero ganito naman ang kapalaran, hindi laging maganda ang hatid nito. Kaya dapat lagi tayong handa. Kailangang malampasan natin ang mga pagsubok na dumarating, sa pagi­ging strong lamang natin makakaya ang mga hindi magagandang darating. Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya. Basta huwag siyang bumigay. Nauna na ang lungkot, ligaya na ang kasunod nito. Ipaubaya na niya ang mister niya sa Panginoon. She has Nathan to take care of.

Again, my condolences  Camille. Be strong. boyet hindi nagpapabaya sa hitsura

May kakaiba ba sa ginagawang pagpapapogi raw ni Christopher de Leon? Eh obligasyon naman ng lahat ng artista na magmukhang artista  at all times. Kaya nga artista sila.  Kaya nga hindi ako kumporme sa mga artista na nakikita kong hindi  nakaayos, ‘yun bang akala mo ay bibili lang ng kendi sa tindahan. Eh kahit nga ganito lang ang gagawin nila, dahil lalabas sila ng bahay kailangan naman ay nakaayos sila.

Anuman ang gawin nila sa labas ng bahay nila, dapat mukha pa rin silang artista, dapat hindi sila mukhang ordinaryo.

Puring-puri ko nga si Boyet, dahil conscious ito palagi sa looks niya.  

vuukle comment

ALAM

ANUMAN

BOYET

CAMILLE

CAMILLE PRATS

IPAUBAYA

KAILANGANG

KAYA

NATHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with