Hindi nakabuo sa dating asawa Agot balak mag-ampon
Isa sa pinakamagagaling na aktres na mayroon tayo sa industriya ay si Agot Isidro.
Wala pa ring kupas ang ganda ni Agot at nananatiling slim hanggang ngayon dahil mayroon daw siyang workout routine.
“I work out a lot. When I’m working, kunwari one week akong walang trabaho, one week akong nagwo-work out. So I run in the treadmill, sometimes when the weather’s good I go to U.P., I run there. On my cardio day I would do mga 10k. Ever since I’ve been going to the gym religiously, pero ‘yung todong work out mga five years na,” pahayag ni Agot.
Ayon sa aktres ay mahilig din siyang magluto lalo na kapag mayroon siyang mga bisita. “I can cook pasta basta olive oil and tomato-based. Kung ano ‘yung makita ko sa pantry, may anchovies diyan, may capers, I put sa pasta ganun. Mga soupy things like sinigang and tinola,” kuwento pa ni Agot.
Samantala, single raw ngayon si Agot pero mayroon na siyang mga qualities na hinahanap sa isang lalaki. “Sense of humor works, and honest, ‘yun lang basta masaya lang saka may ambisyon,” natatawang sagot ni Agot.
Bukod sa teleserye ay magiging abala na rin ang aktres sa pelikulang pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Nakatakda ring magbakasyon si Agot pagkatapos ng kanyang sunud-sunod na trabaho. “I’m playing Juday’s sister, so ‘yun pa lang after Nasaan Si Elisa, I don’t know yet. I’ll probably take a vacation kasi I haven’t taken a vacation since everything so I might go to the States for about two weeks lang to see some friends,” dagdag pa ni Agot.
Minsan na rin daw naisipang mag-ampon ng bata ni Agot. “It’s been crossing my mind recently so I don’t know yet. It’s a huge step ‘di ba, parang ayusin ko muna ‘yung mga kailangang ayusin,” giit pa ni Agot.
Anne ginusto talagang maging other woman
Sa September 28 ay mapapanood na sa buong bansa ang pelikulang No Other Woman na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Cristine Reyes, at Derek Ramsay.
Na-challenge raw sa unang pagkakataon si Anne dahil sa kanyang role sa nasabing pelikula. “I play the role of Kara and siya ‘yung other woman. It’s something na hindi pa nila ako nakikitang nag-portray, kasi lagi na lang comedy or romantic-comedy. So it’s a breath of fresh air for me so sana magustuhan ninyo ‘yung character ko rito,” pahayag ni Anne.
“Kasi I think I’ve always open na gusto ko talaga to do something different kasi 14 years na ako sa industriyang ito, parang lahat na yata nagawa ko. So ito ang hindi ko pa talaga nagagawa. I think people don’t realize that I’m turning 27 next year. They don’t see it kasi napaka-bubbly ko ‘di ba? So people don’t realize that as an actress it’s also my frustration to get roles that help me mature as an actress and I feel that it could be it,” paliwanag pa ni Anne. Nagpaalam kaya si Anne si kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff nang gawin niya ang sexy scenes nila ni Derek? “I didn’t need to ask his permission kasi work ko ‘yun at naiintindihan naman niya ‘yun. The scenes are enough for adults or young adults I’d have to say. It’s sexy siguro more in a way, because what we’re tackling is domestic life already, married na kaya naging ganun siya,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest