Hanap-Buhay Go Go Go sa Life and Style
MANILA, Philippines - Alam nating lahat na may krisis sa ekonomiya at talaga namang mahirap kumita ng pera ngayon. Tutok lang sa GMA News TV - Life And Style With Gandang Ricky Reyes alas-onse ng umaga ngayong Sabado dahil usapang hanap-buhay ang itatampok.
Nakalulungkot na maraming tiningalang artista ng bansa ang namatay na pulubi dahil di nila napaghandaan ang tinatawag na ‘rainy days’ o panahong wala na silang trabaho at naglaho na ang kasikatan.
May panayam si Mader Ricky sa mga artistang nasa itaas pa pero may mga negosyong pinasukan para may ‘fall back position’ kapag wala na sila sa showbiz.
Marami ang naghahanap ng trabaho pero ‘di matanggap dahil ‘di nakatapos ng kolehiyo. May VTR (video tape record) sa show ng mga training para sa mga ‘skilled employment’ ang sangay ng gobyernong TESDA ‘di lang para sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.
Sa mga gusto namang humingi ng tulong na pinansiyal para magtayo ng maliit na negosyo’y mayroong bisitang opisyal ng Natco-Coop na magpapaliwanag kung paano makauutang dito sa maliit lang ang interest.
At bilang bonus ni Mader ay magbibigay siya kung paano makakatipid para sa buong pamilya.
Ang Life and Style ay produksyon ng ScriptoVision.
- Latest