Phillip Salvador at Paulo Avelino, lalabas sa 100 Days to Heaven
MANILA, Philippines - Sunud-sunod na ang mga maiinit na rebe-lasyon at surprise guestings ng mga naglalakihang artista sa nangungunang teleserye sa bansa ang 100 Days to Heaven. Sa pagtatapos ng linggong ito, ang batikang aktor na si Phillip Salvador at bagong Kapamilya hunk na si Paulo Avelino naman ang makakasalamuha ni Anna Manalastas. Ano na naman kaya ang kasalanan ni Madam Anna sa mga karakter nila? Ito ang unang project ni Paulo sa ABS-CBN. Ang 100 Days to Heaven ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.
- Latest