^

PSN Showbiz

Bea hindi kumakain ng cake at ice cream

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Birthday ni Bea Binene sa November 4, pero wala siyang balak magpa-party at ang plano’y magbakasyon kundi sa Hong Kong, Singapore o sa China kasama ang ina. ‘Kalungkot lang dahil pagsapit niya ng 14 years old, hindi na ini-expect na makikita pa ang ama na umalis sa bahay nila.

Wala ring hinihintay na regalo si Bea dahil happy na siya sa magandang takbo ng kanyang career. Nasa Tweenhearts siya at sa Pahiram ng Isang Ina at may cameo sa Panday 2 at positive na may mga susunod pa siyang projects.

Samantala, totoo palang hindi kumakain ng cake si Bea, kahit sariling birthday cake, hindi niya tinitikman. First time niyang makatikim ng cake, ayaw niya agad.

 “Ayoko ng texture ng cake, ayoko ng icing. Kahit chocolate mousse at ice cream. Nag-try ako minsan ng super small bite at hindi ko nagustuhan, mula noon hindi na ako kumain ng cake at feeling ko, wala akong nami-miss,” ani Bea.

Aktor nagsisinungaling sa edad

Napagkumpara ng press ang dalawang aktor na halos magkasing-edad. Si Actor A, walang takot na inaming 35 years old na siya, pero si Actor B, ayaw sagutin ang tanong at nang sabihin ang edad, alam ng mga nagtanong na hindi naman ‘yun ang totoo.

Naisa-publiko na ang edad ng aktor sa isang isyung kanyang kinasangkutan, kaya alam ng press kung ilang taon na siya. Pero hindi makumpirma dahil ayaw ngang sumagot ‘pag edad na ang itinatanong.

TJ Trinidad hindi nagkainteres sa Survivor Philippines

Natawa si TJ Trinidad sa Prince of Horror Mo­vies title na ibinigay ng press dahil three horror movies na ang ginawa niya at ang pinaka-latest ay ang The Road ng GMA Films. Sa rating na 1 to 10, 9.5 ang rating niya as to how scary the movie at ma-e-experience rin daw ito ng moviegoers ‘pag pinanood simula sa November 30.

Mystery horror daw ang movie at kahit walang mga aswang at tiyanak, mararamdaman pa rin ang takot at pag-iisipin ang tao. Happy si TJ kung totoong isasali ng GMA Films at ni Direk Yam Laranas sa Los Angeles Screamfest ang movie.

Anyway, madalas naming ma-interview si TJ, pero sa set lang ng The Road naming nalamang tito niya si ex-Pasay City Mayor Pewee Trinidad dahi kapatid ito ng dad niya.Saka lang kami naniwalang laking Pasay siya, pero wala siyang balak pumasok sa pulitika. “I don’t think I have the stomach for politics,” sabi ni TJ.

Kinumpirma rin nitong inimbita siya to join Survivor Philippines, pero hindi niya tinanggap dahil hindi niya kakayanin ang physical challenges dahil may deperensya siya sa tuhod.

Lucy at Gretchen dawit sa no other woman

Naaliw ang press sa mga dialogue ni Carmi Martin sa No Other Woman at aagaw siya ng eksena kina Anne Curtis, Derek Ramsay, at Cristine Reyes. Sa kanya natoka ang ilan sa juiciest lines gaya ng “parehong p—a ‘yan,” ang “i-pack-up mo na si Lucy Torres at ilabas mo na si Gretchen Barretto” na galing kay Direk Ruel Bayani.

Idinepensa ni Direk Ruel ang Lucy at Gretchen lines at wala raw dapat ipag-react ang dalawa’t hindi ibig sabihin na martir ang una at palaban ang huli.

Una sa billing ng movie si Anne, gitna ang name ni Derek at last si Cristine na walang “and” before her name.

Showing ang movie simula September 28.

vuukle comment

ACTOR B

ANNE CURTIS

BEA

CARMI MARTIN

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

NIYA

SIYA

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with