Sam papasok sa military training
May bagong album ngayon si Sam Milby na talaga namang ipinagmamalaki niya. Be Mine ang title nito at carrier single ang Hindi Kita Iiwan.
“Ang ganda ng album ko kasi puro originals tapos dalawang remake lang, All My Life na theme song sa movie namin ni KC (Concepcion) at And I Love You So na ginamit sa movie namin noon ni Bea Alonzo.
“Si Jonathan Manalo ang sumulat ng Hindi Kita Iiwan. I am very happy kasi malakas sa radyo at balita ko number one recently sa isang record bar,” nakangiting pahayag ni Sam.
Meron din isinulat na kanta ang binata para sa sarili niyang album. “May isa akong sinulat, Pushing Me Away. Nakaisip kasi ako ng melody at lyrics, chorus pa lang ’yun two years ago. So noong nalaman ko na kailangan ng original song for this album, sabi ko shoot! Baka puwede ’yung ginawa ko, so I worked on it,” kuwento ni Sam. Bukod sa kanyang bagong album ay magiging abala na rin si Sam sa paggawa ng isang bagong teleserye.
Kailangang mag-training sa military ang aktor bilang paghahanda sa kanyang role sa serye.
“Alam ko three months ago dapat nag-start na kami mag-taping ng Alta right after ng movie namin ni KC (Concepcion). Hindi ko alam kung bakit may delay, siguro dahil busy sa ibang shows and revisions ng script. We’re just waiting pero alam ko tuloy. I’ve already done a workshop with Direk Laurice Guillen at alam ko kaming boys, magmi-military training kami. That’s going to be something new for me,” dagdag pa ni Sam.
Samantala, masaya rin ang binata dahil kasama niya sa bahay ang kanyang ate at pamangkin na nagbabakasyon sa bansa ngayon. Magiging busy na si Sam sa kanyang teleserye sa Oktubre.
“Mabuti na rin ’yun kasi malaking soap ’yun and nandito pa ’yung ate at pamangkin ko sa Pilipinas. At least I have more time to spend with them habang hindi pa ako busy ulit sa paggawa ng teleserye. Sobrang happy ako na kasama ’yung pamangkin ko sa bahay. Kaya minsan kahit na puyat ako galing work, mas gusto ko pa rin makipaglaro sa kanya, dahil in a few weeks time, babalik na ulit sila sa States,” pagtatapos ni Sam.
Kim naimpluwensiyahang mag-negosyo ng mga kamag-anak
Namamayagpag ngayon ang career ni Kim Chiu dahil bukod sa kanyang seryeng My Binondo Girl ay malapit na ring simulan ang pelikulang pagsasamahan nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santos. Kabi-kabila rin ang endorsements ng dalaga kaya nag-e-enjoy ngayon si Kim sa kanyang showbiz career pero hindi naman ito pang-habang buhay, ayon sa dalaga.
“Alam ko naman na hindi puwedeng forever na lang akong aasa sa pagiging artista. Matatapos din ito pero hindi ko alam kung kailan pero sana huwag muna ngayon kasi nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko at mahal ko ’yung trabaho ko,” nakangiting pahayag ni Kim.
Pangarap ni Kim na makapagtapos ng isang business course sa college dahil naimpluwensiyahan siya ng kanyang mga kamag-anak na magaling humawak sa negosyo.
“Halos lahat ng kamag-anak ko, may business sila. Lumaki ako sa Cebu na nakikita ko sila kung paano nila patakbuhin ’yung negosyo nila. Paano sila mag-manage ng pera.
“Naisip ko na ’yun talaga ang magandang paraan ng kabuhayan, ’yung may sarili kang negosyo,” paliwanag ni Kim. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest