^

PSN Showbiz

Fab 5 ng Biggest Loser, nag-iba ang mga hitsura

- Veronica R. Samio -

Nakakatuwa at nakaka-inspire na makilala ang natirang lima sa maraming sumali sa pinaka-malaking reality show ng ABS-CBN na The Biggest Loser Pinoy Edition.

Kung hindi ka regular viewer ng show hindi mo maa-appreciate ang efforts na ginawa ng lima para mapabilang sa Fab 5. Ni hindi mo paniniwalaan na nanggaling sila sa timbang na matatawag hindi lamang mataba kundi obese na rin.

Si Art na nagsimula sa timbang na 341 lbs. ay 236 lbs. na lamang. Si Larry na dating 255 ay 170 na lamang. Si Raffy from his original weight of 287 has trimmed down to 207. Ang dalawang babae naman, si Angela ay 155 lbs. na lamang mula sa orihinal niyang timbang na 223 samantalang si Hazel ay magaan na sa timbang na 150. Pareho silang naka-long gown during their Gala Presentation na malayung-malayo sa itsura nila’t ayos nung una silang pumasok ng kampo ng The Biggest Loser. Lumitaw ang angkin nilang ganda. Pinalakpakan ng husto ang lima ng press sa isang presscon na ibinigay ng ABS-CBN.

Pero hindi lamang ang mga dahilan ng kanilang pagsali sa TBLPE ang nasagot nila ng maayos kundi ang mga aral na natutunan nila habang nasa loob sila ng kampo. Marami ang na-entertain sa mga matatalino nilang sagot du­ring the Q&A portion. Lahat din ay nagkaisa na matatalino at witty  sila batay sa kanilang mga isinagot sa maraming pang-uusisa ng entertainment press.

Inamin ni Hazel na hindi niya naranasan ang maging normal, mataba na siya simula nung nasa grade four  pa siya. Nasa genes naman daw ang pagi­ging mataba ni Angela. Sa mga lalaki, si Art ang may pinakamabigat na timbang na nakasali sa TBLPE (360 lbs). Sumunod ang bunso ng grupo, si Raffy na napakabilis lumobo ng katawan simula nang mag-grade six siya. Si Larry ay  kinailangang iwan ang trabaho niya bilang pulis dahil nawala ang respeto niya sa sarili dahilan sa katabaan niya.

May tambalang  romantiko na nabuo sa show, ang tambalan nina Raffy at Hazel na  siya rin sana ang maghaharap sa finals. Pero may pagbabago sa rules.

Magkikita-kita pa rin silang lima sa finals. Pero kailangang hintayin nila kung sino ang mananalo kina Angela, Art, at Larry sa isa pang showdown  na ang magwawagi ay siyang makakalaban ng magdyowa for the final showdown.

Relasyon nina John at Bianca nakakatulong sa HYY

Naniniwala ang mga taga-Happy Yipee Yehey na kasabay ng maraming pagbabago sa kanilang programa, pagre-resign ni  Mariel Rodriguez at ang paglipat nila sa isang bago at mas malaking istudyo, ay magbago rin ang takbo ng kanilang prog­rama, magiging mas maganda ito, mas masaya, mas darami ang mga pakontes, at ang mga premyo na ipamimigay nila.

Mukhang nakakatulong din sa show ang patuloy na paglalim ng relasyon ng nagliligawang sina John Prats at Bianca  Manalo. Hiling nga ng mga kasamahan nila na maging sila na nga para malubos na ang kasiyahan nilang dalawa at maging ng lahat ng nagmamasid sa kanila dahil napapaligiran naman sila ng mga kasamahan na maligaya ang love life.

Tulad ni Toni Gonzaga kay director Paul Soriano, Matteo Guidicelli kay Maja Salvador, sila Melai Cantiveros at Jason Francisco, si John Estrada sa nagdadalantao nitong misis. Happy naman sa pagiging single nila sina Rico J. Puno at Pokwang.

Samantala, finally ay lumabas na rin ang totoo na talagang hindi na bumalik sa dati ang friendship nina Mariel at Toni at ito ang dahilan kaya niya tuluyang iniwan ang programa.

vuukle comment

ANGELA

BIANCA

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

GALA PRESENTATION

NILA

PERO

SI LARRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with