^

PSN Showbiz

Jake pinadalhan ng isang kahong bala ng bf ni Lovi?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Mainit ang pagtanggap ng mga fans ng American Idol (AI) sa labing-isang finalists ng AI Season 10 na nag-concert dito ng dalawang gabi.

Hindi lang ang grand champion na si Scotty McCreery ang tinilian ng husto nang mag-perform sila sa Araneta Coliseum kundi pati ang ilang magagaling na finalists na sina James Durbin, Haey Reinhart, Lauren Alaina, KC Abrams, at siyempre ang kababayan nating si Thia Megia.

Tuwang-tuwa rin silang lahat kaya ganado sila sa pag-perform.

Hindi namalayan ni Lauren habang nagpi-perform ito ay lumabas ang kanyang bahagi ng kanyang dibdib.

Matagal itong nakabuyangyang sa audience kaya nag-enjoy ang mga cameraman sa pagkuha ng litrato.

PAK: Hindi na pinapansin ni Mark Herras ang mga nanlalait sa kanyang pagrampa sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na ginanap sa World Trade Center nung nakaraang linggo.

Ikinumpara pa ito kay Rocco Nacino na mas magaling ang performance nito kesa sa Bad Boy of the Dance Floor.

Ang punto naman ni Mark, rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash hindi para makipagkumpetensiya sa kung kaninong artistang nakasabay niya sa naturang event.

Aminado naman siyang hindi kagandahan ang katawan niya kaya wala sana itong balak na maghubad pero nag-enjoy siya sa mainit na response ng mga tao at kinulit ito na maghubad kaya pinagbigyan niya.

Nang bumalik nga ito sa stage ay naghubad pa siya uli dahil sa hinihingi ng mga babae ang suot niyang sando.

BOOM : Nagulat si Lovi Poe sa lumabas na kuwentong pinadalhan si Jake Cuenca ng isang kahong bala na hindi alam kung kanino nanggaling.

 Nagsimula lang ito sa blind item pero obvious na si Jake ang tinutukoy at ang tinuturo ay mula ito sa kampo ni Ronald Singson.

Naging close na kasi sina Lovi at Jake magmula nang pinu-promote nila ang My Neighbor’s Wife.

Hindi naniniwala ang aktres sa balitang ito at unfair nga naman ito na pagbintangan agad ang kampo ng ex-congressman gayung nakapiit pa ito sa Hong Kong.

Pawang tsismis lang ’yun at hindi naman ito kinumpirma ni Jake kung totoo ang naturang kuwento.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ARANETA COLISEUM

BAD BOY OF THE DANCE FLOOR

COSMO BACHELOR BASH

HAEY REINHART

HONG KONG

JAKE CUENCA

JAMES DURBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with