Mariel Rodriguez hindi na pinahalagahan ang loyalty
Hindi ako maniwala na hinaharang pa ang paglipat ni Mariel Rodriguez sa Singko.
I’m sure naman na walang magagawa ang kahit sino pa man sa mga artistang nababalitang mag-oober da bakod.
Sa kaso ni Mariel, ang tanging magagawa ng ABS-CBN ay mag-build up at mag-discover ng marami pang puwedeng maging host. It will just take time pero sa rami ng mga hindi pa nata-tap na talents ngayon, hindi magkukulang ang showbiz sa artista, host, singer, at maski director.
Ito siguro ang alam ng maraming naglilipatang artista, maikli lang ang buhay ng mga artista ngayon kaya kung may mas magandang offer sa kanila, i-take na nila before somebody grabs. Pero ganito na ba ang kalakaran sa showbiz ngayon, hindi na ba pinahahalagahan ang loyalty? Just asking.
Career nina Bianca at Venus uungusan ni Shamcey
Wala pa naman talagang masasabing threat si Shamcey Supsup sa mga tulad niyang beauty queen na nag-join ng showbiz dahil isang taon pa bago makapag-showbiz ang Miss Universe 3rd runner-up, kung gugustuhin niya pero balita ko nga wala siyang balak mag-showbiz.
Kaya walang dahilan para ma-threaten sina Venus Raj at Bianca Manalo sa kanya. Malaki na ang kalamangan nila kay Shamcey.
Thia puwedeng magka-career sa ‘Pinas
Dinumog ng manonood ang American Idol concert, patunay na may malaking following dito ang nasabing singing contest na hindi nawawalan ng Pinoy sa kanilang list of finalists bagaman at hanggang ngayon ay wala pa ring nananalong kababayan natin. Hindi nakapagtataka na ipinagbunyi at pinalakpakan ng marami si Thia Megia, dahil sa tuwina ay itinuturing natin na isang malaking achievement kapag may Pinoy o Fil/Am na nakikilala sa ibang bansa.
I’m sure kung magka-career dito si Thia ay magtatagumpay siya.
- Latest