Iza mas maganda pa sa nanalong Miss World Philippines
Ang laki ng pagkakahawig nang nanalong Miss World Philippines na si Gwendolyn Ruais kay Iza Calzado. Mas marami lang ang nagsasabing mas maganda ang Kapuso star.
Isa si Gwendolyn sa limang napili sa Top 5 na nagbigay ng maayos na sagot sa Question & Answer portion. Akala ko pa nga hindi madedehado sa portion na ito ang mga contestants since foreign sounding ang kanilang mga apelyido. Sabi ko mga Inglisero sila. ‘Yun pala hindi.
Rosanna ginagamit ang mga dating karelasyon para magka-career
Sana hindi na nagkuwento pa si Rosanna Roces tungkol sa mga sexcapades niya. Nalalagay kasi sa alanganin ang mga sangkot, gayung past na sila at marami sa kanila ang mga may posisyon na sa gobyerno.
Hindi nga sila pinapangalanan pero, napakalilinaw naman ng mga clues, halos giveaway na.
Hay Osang, ibaon mo na lang sila sa limot. Hindi naman sila makakatulong sa comeback mo, makakahadlang pa sila.
Aga pinapatapos ng high school ang kambal na anak bago mag-artista
Hindi naman pala napaka-tall order ang hiling ni Aga Muhlach para sa kanyang kambal. Makatapos lang sila ng high school ay okay na sa kanya. Akala ko nga kailangang magtapos muna sila ng kolehiyo bago siya pumayag na mag-artista ang dalawa. Ang babae niya ang ganito kaaga ay nagpapamalas na ng hilig sa pag-aartista. May ginagawa itong isang stage musical at feeling niya ay napaka-excited nito. Kung pipigilan niya ay baka maagang ma-disappoint kaya pinapayagan na niya pero, may bilin na hindi pababayaan ang pag-aaral. Si Charlene raw ang palaging kasama nito.
- Latest