^

PSN Showbiz

Juday at Ryan minamani na lang pagiging mag-asawa sa pelikula

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Mas iba ngayon ang feeling ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos habang ginagawa nila ang pelikulang My Househus­band: Ikaw Na! dahil mag-asawa na sila at mas nakaka-relate na sila sa mga dramang mag-asawa.

Nung ginagawa kasi nila ang Kasal, Kasali, Kasalo at ang Sakal, Sakali, Saklolo, magkasintahan pa lang sila at gumaganap sila bilang mag-asawa.

Pero ngayon ay mahigit dalawang taon na silang kasal, mas madali na sa kanilang gampanan at nakaka-relate na sila sa ilang mga eksenang kinukunan.

“Magse-seven years old na si Yohan, si Lucho naman malapit na ang first birthday. Sobrang relate na talaga kami sa role bilang parents.”

 PAK: Muntik nang magtagpo sina Hayden Kho, Jr. at Princess Velasco sa Stars For a Cause ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nung nakaraang Linggo.

Habang abala si Hayden sa pagpapa-interview sa mga reporters sa backstage, nagpi-perform naman si Princess at parang hindi nila alam na magkasama lang sila sa isang venue.

Sa mga ’di nakakaalala, nadamay si Princess sa sex video scandal nina Hayden at Katrina Halili.

Nagkaroon din ng involvement si Princess dahil na-link din ito kay Hayden kahit girlfriend na ito ng isa sa mga matalik niyang kaibigan.

BOOM : Muli na namang nabuhay ang isyung may live-in arrangement sina Edgar Allan Guzman at ng dating Sexbomb dancer na si Jolan Veluz dahil sa pinu-promote ng aktor ang pelikula niyang Ligo na U, Lapit na Me na magsu-showing na sa Sept. 28.

Ilang buwan na ang nakararaan, sinabi ni Edgar Allan na tapos na ’yun at hindi na sila nagsasama ni Jolan dahil umuuwi na sila sa kani-kanilang bahay.

Pero may mga nagkuwento na mga kapitbahay sa condo unit na tinitirhan ng magkasintahan, na nakikita pa rin nila ang dalawa na umuuwi sila roon paminsan-minsan. Hindi pa rin nila nagi-give up ang unit.

 Sobra ang pagmamahalan ng dalawa pero ang dinig namin hindi boto ang pamilya ni Edgar Allan kay Jolan kaya nagkakaroon ng ganung conflict.

vuukle comment

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

HAYDEN

HAYDEN KHO

IKAW NA

JOLAN

JOLAN VELUZ

JUDY ANN SANTOS

KATRINA HALILI

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with