Pinaka-exciting na pelikula sa Cinemalaya ipapalabas na!
MANILA, Philippines - Papalapit na nang papalapit ang playdate ng (Sept. 21) nang inaabangang Pinoy rock and roll movie tribute ni Quark Henares, ang Rakenrol. Ito ang isa sa mga pinaka-exciting na pelikula na naipalabas sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival 2011.
Umiikot ang istorya sa pagkakaibigan at pag-iibigan ng mga bidang sina Jason Abalos at Glaiza de Castro bilang Odie at Irene. Sa pelikulang ito makikita ang kakayahan nila sa pagpapatawa at pagra-rakenrol. Bagay sila sa big screen at bagay din ang binuo nilang banda na Hapipaks.
Dinagdagan pa ng mga nakakaaliw na ka-bandang sina Mo (guitarist, Ketchup Eusebio) at JunFour (drummer, Alwyn Uytingco) at band manager na si Matet de Leon (bilang siya rin mismo).
Pampagulo at pampa-kuwela naman ang pag-entra ni Diether Ocampo bilang si Jacci Rocha, ang sexy “rock star.” Dahil siya ang “all-time super crush” ni Irene, ayun at nahulog ang loob ng bokalistang dalaga. Nagselos naman siyempre si Odie. Mauuwi ba si Irene kay Jacci o kay Odie pa rin siya?
Hindi giveaway ang sagot dahil iba kapag napanood ang Rakenrol.
Kasama rin ang mga komedyanteng sina Ramon Bautista at Jun Sabayton, at iba pang surprise guests sa music at movie scene, na magpapasaya ng buong pelikula na limang taong binuo ni Direk Quark at ng kaibigang si Diego Castillo (ng bandang Sandwich).
Ipinagmamalaki rin ng Rakenrol ang original music ng Hapipaks.
Nationwide mapapanood ang Rakenrol sa tulong ng Regal Entertainment, Inc.
Ang Reality Entertainment & Furball naman ang producer sa pakikipagtulungan ng PostManila. Media partners ang Win Radio 107.5, Big Radio 91.5, and Jam 88.3.
- Latest