^

PSN Showbiz

Bagong Miss World parang 'Lux Girl' na naman!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nang dumalo kami sa presscon ng Ms. World-Philippines, halos iisa ang hula naming si Candidate No. 13 — Gwendolyn Ruais ang magwawagi dahil siya lang talaga ang stand-out sa kanilang lahat.

Medyo nakaka-disappoint nga dahil sa laki ng premyong ipinamigay, bakit parang konti lang talaga ang mga magagandang kandidata.        

Kaya ang daling pumili ng winner na si Gwendolyn na nga dahil wala namang iba.

Ang tanong ngayon, mapapansin kaya siya sa Miss World sa London?

Komento ng ilang matataray na baklitang tumutok sa naturang beauty contest : “Gwen Ruais-isa ka na namang ‘Lux’ girl! Better ‘Lux’ next time!”

PAK: Hindi nakilala ng audience si Mike Tan nang rumampa ito sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash.

Kaya hindi ito gaanong tinilian dahil ang karamihan ay ‘di sure kung si Mike Tan na nga ba ‘yun.

At hindi yata nila napansing lumabas ang pangalan nito sa widescreen.

Matagal kasing hindi nakita sa TV si Mike at ang laki nang ipinagbago at iginanda ng kanyang katawan.

Malaki talaga ang ipinagbago ng katawan nito dahil talaga namang pinaghandaan niya nang husto ang pagrampa niya sa Cosmo. Sad nga lang na hindi siya nakilala.

Mabuti na lang at muling kinuha si Mike ng GMA 7 para maging bida sa bagong dramarama sa hapon na Kung Aagawin Mo ang Langit kasama sina Carla Abellana at Michelle Madrigal. Kaya hindi na siya mami-miss sa TV na nagsimulang mapanood kahapon.

Inaasahang magtutuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ni Mike sa GMA 7.

BOOM: Pa-safe ang sagot ni Cesar Montano sa tanong sa kanya kung okay ba siya sa posibilidad na magsama sila ni Teresa Loyzaga sa isang pelikula kasama ang anak nilang si Diego.

“Open naman ako sa mga possibilities. Pero sa ngayon dito muna ako naka- focus sa Hitman,” sagot ng actor/director.

Pagdating sa anak nila ni Teresa na si Diego, wala naman daw silang conflict at hindi raw totoo ang mga intrigang nagkakatampuhan o ‘di nagkakasundo sila sa pagpasok ni Diego sa showbiz.

Hindi nila pinag-uusapan ito dahil wala naman talagang problema pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak.

 “I have my own family to take care with, doon ako naka-focus eh, doon ang pagmamahal ko. Hangga’t hindi ko napapabayaan si Diego because he’s still a minor and kailangan niya ng mga advices ko, at guidance ko as a father. Pag intact ‘yun, okay kami, walang problema,” deretsong sagot nito sa amin.

CANDIDATE NO

CARLA ABELLANA

CESAR MONTANO

COSMO BACHELOR BASH

GWEN RUAIS

GWENDOLYN RUAIS

KAYA

MIKE TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with