^

PSN Showbiz

Maria out, Thia in sa laban ni Pacman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay si Thia Megia na pala ang kakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa November 12.

Ayon sa interview ng finalist ng American Idol Season 10, napili siya na kumanta sa laban ni Pacman.

Naging maingay ang balita na ang YouTube sensation na si Maria Aragon ang napili ni Pacman.

Pero kasi nga naman at least si Thia, Kapuso eh si Maria, Kapa­milya kaya totally out na si Maria.

Ms. Cory Quirino mas napansin sa Miss World

Nakatulugan ko ang panonood ng Miss World Philippines last Sunday. The presentation was kinda boring at totoo na parang may mga edad na ang maraming contestants. At may mga familiar faces dahil nakasali na sila sa ibang beauty pageant.

Ang namumukhaan ko, kasali na naman ang ex girlfriend ni Paolo Bediones, ang ex ni Paolo Ravales. Sadly, parehong hindi nanalo ang da­lawa.

Buti na lang at hindi lang ako ang nakapansin, pero grabe parang contestant na rin si Ms. Cory Quirino na organizer ng pageant.

Kasama siya sa lahat ng lakad ng mga contestants at may I wave rin siya na parang isang kandidata sa mga video na ipinakikita.

Actually, sa billboard pa lang ng contest, siya na ang may hawak ng korona. At siya rin pala ang nagbasa ng winner na karaniwang ginagawa ng mga host ng pageant at siya ang nag-korona na karaniwang ginagawa naman ng mga nakaraang winner or sana ang 2011 Miss World na si Ms. Alexandra Mills na nasa bansa para saksihan ang kauna-unahang Miss World na ibinigay kay Ms. Quirino ang franchise for the first time.

Agree ako sa obserbasyon ni Mr. Ernie Pecho (kolumnista ng sister publication ng PSN) na mas nakilala pa si Ms. Quirino sa pageant na naganap kesa sa ibang contestant dahil siya ang madalas na nasa press release.

Anyway, walang basagan ng trip. Baka naman nasa kontrata ‘yun ni Ms. Quirino sa Miss World. 

vuukle comment

ALEXANDRA MILLS

AMERICAN IDOL SEASON

CORY QUIRINO

ERNIE PECHO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LUPANG HINIRANG

MARIA ARAGON

MISS WORLD

MS. QUIRINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with