Pacman interesado sa offer ng TV5!
SEEN: Natupad ang unang gustong gawin ni Shamcey Supsup nang dumating siya kahapon sa Pilipinas. Tumanggi si Shamcey na sagutin ang mga tanong ng mga reporters tungkol sa kanyang boyfriend na si Lloyd Lee.
SCENE: Si Carlos Concepcion ang stylist ni Richard Gutierrez sa new season ng Survivor Philippines.
Former member si Carlo ng Take 5, ang boyband na dating napapanood sa defunct show na SOP.
SEEN: Ang balita na may offer ang TV5 kay Congressman Manny Pacquiao at nagpapakita ito ng interes na lumipat sa Kapatid Network.
SCENE: Ang pasasalamat ni Phil Younghusband sa mga nakiramay sa kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanyang ina: “Hi everyone. On behalf of myself, my brother James, and my sister Keri, we would like to thank everyone for the support during this difficult time. We would like to thank everyone who was there for us, everyone who helped out during the last five days and will continue to, everyone’s message of condolence, everyone who attended the wake and the funeral and for all the prayers. You have all helped us and we’re very thankful.”
SEEN: Feel na feel ni Paolo Ballesteros ang impersonation niya kay Shamcey Supsup sa Eat Bulaga. Komportableng-komportable na si Paolo sa mga gay roles.
SCENE: Kinunan sa isang malaking bodega sa Diosdado Macapagal Avenue noong Sabado ang big scene ng Hitman, ang pelikula ni Cesar Montano. Joint venture ng Viva Films at movie production ni Cesar ang Hitman.
SEEN: Ang mga billboards ni Bruno Mars ang ipinalit ng Bench sa mga kontrobersiyal na billboard ng Philippine Volcanoes.
SCENE: Balik-Pilipinas si Jason Mraz dahil may concert siya sa Smart Araneta Coliseum sa Oct. 30.
- Latest