^

PSN Showbiz

P-Noy nakipagkita kay Shamcey bago lumipad pa-Amerika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nakipagkita si Pangulong Noynoy Aquino kay 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup kagabi. Dumating ng bansa si Shamcey kahapon ng umaga. Umalis naman ng bansa ang pa-ngulo kaya sa Ninoy Aquino International Airport VIP Lounge nag-courtesy call si Ms. Supsup sa pangulo.

Pero mukhang pagod na pagod na kahapon pa lang pagdating si Ms. Supsup. Kita sa mga photos at coverage ang pagod niya. Dumating siya ng 6:30 a.m. from LA, California kahapon.

Nagkaroon na kasi siya ng presscon para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya pagbalik-bayan niya. ’Tapos nag-parade pa sa Makati at kung saan-saan pa. Kaya talagang pagod na ang beauty queen at haggard na ang hitsura.

Sana man lang binigyan nila ng chance na magpahinga, ’no?

Aj at Nadine pinu-push ni Boss Vic

Excited na ang Bagets love team na sina AJ Muhlach and Nadine Lustre sa pagtatambal nila sa remake ng P.S. I Love You sa TV5.

Yes, kasama sila sa magiging bida sa remake nang pumatok na pelikula noon nina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion.

Si AJ siyempre ay kapatid ni Aga Muhlach na certified Kapatid actor na.

Si Nadine naman ay nag-umpisa bilang commercial endorser at naging member ng grupong Pop Girls.

Ngayon sila ang pinakamalakas na love team ng programang Bagets na napapanood sa TV5 every Sunday.

Si AJ ay 18 years old at first year college sa UST taking up applied physics bago nag-full time sa showbiz. Una siyang nakilala sa grupong XLR8.

Pero una siyang kumuha ng culinary arts sa American Hospitality Academy.

At alam n’yo ba na bago siya mag-showbiz ay dati siyang heavy weight? Puwedeng pang-Biggest Loser sa kanyang murang edad – 250 lbs. Eh bata pa siya nun. Pero tingnan n’yo siya ngayon, wala na sa hitsura niya na dati siyang dambuhala. Diet, gym, at pagsasayaw ang ginawa niya para pumayat. Ngayon ay 146 lbs na siya.

“Gusto ko pa pong magpapayat,” apela ni AJ nang minsang makatsikahan ko sa Viva office.

Si Nadine naman ay nakilala sa maraming endorsements noon at nakasama na siya sa pelikulang Petrang Kabayo at Who’s That Girl.

Actually, mismong si Mr. Vic del Rosario ang nagpu-push sa loveteam nina AJ and Nadine kaya sure na sila sa kanilang career.

By this time, malamang nakapagsimula na silang mag-taping para sa P.S. I Love You.

Female biritera grabeng magpawis

Grabeng pawisan ang isang singer ’pag bumibirit. Dapat sigurong dumalaw siya sa clinic ni Dr. Vicki Belo para magpa-inject ng pampatanggal ng pawis.

Isang kanta pa lang ang binanatan niya pero pawis na pawis na ang female biritera. Eh paano na lang sa concert niya? Sigurado, tumatagaktak ang sweat niya. Eowww!

Hindi katabaan ang female singer ha?

vuukle comment

AGA MUHLACH

AMERICAN HOSPITALITY ACADEMY

BAGETS

BIGGEST LOSER

BOSS VIC

I LOVE YOU

MS. SUPSUP

PERO

SI NADINE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with