^

PSN Showbiz

Thia Megia puwedeng kumanta ng Lupang Hinirang para kay Manny

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hit na hit sa mga viewers ng Manny Many Pri­zes ang guesting ng American Idol Season 10 finalists sa game show ni Manny Pacquiao noong Sabado.

Umapir sina Pia Toscano, Scotty Mcreery, Thia Megia, at Stefano Langone sa Manny Many Prizes para i-promote ang kanilang two-night concert sa Araneta Coliseum.

Si Pia ang sinasabi na look-alike ni Iza Calzado pero ang sabi ng fans, mas kamukha ni Pia si Djanin Cruz, ang anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

Lumabas ang pagiging fan ng Season 10 finalists nang ma-meet nila si Rep. Manny Pacquiao na napasubo dahil kinantahan niya si Thia, ang Pinay finalist sa American Idol.

Kinanta ni Manny ang kanyang signature song, ang Sometimes When We Touch, para kay Thia. Naisip ko tuloy na imbes na si Maria Aragon, puwedeng si Thia ang kumanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nov. 12. Qualified naman si Maria pero bagets pa siya. Hindi kagaya ni Thia na dalaga na at kilalang-kilala rin sa buong mundo dahil sa American Idol.

Mayweather, Jr. inaabangan na ni Pacman

Win si Floyd Mayweather, Jr. sa boxing match nila kahapon ni Victor Ortiz kaya lalong tumindi ang clamor na magharap sila ni Manny Pacquiao.

Anytime, ready ang Pambansang Kamao na lu­maban kay Mayweather, Jr. pero nag-iinarte at nag­papapresyo ito. Hoping ang boxing fans na mag­babago ang desisyon ng black American boxer dahil baka ang success niya sa laban nila ni Ortiz ang maging mitsa para matuloy na ang kanilang much-awaited fight ni Manny Many Prizes.

Joseph nagpapasalamat sa maraming tulong na dumating

Mataas ang live ratings ng VTR interview ng Startalk kay Joseph Bitangcol noong Sabado. Ang ibig sabihin, interesado ang mga tao na malaman ang latest update kay Joseph mula nang maaksidente ito.

Nagkaroon ng fund-raising concert para sa young actor ang kanyang mga kaibigan sa Zirkoh Morato noong Huwebes. Successful ang benefit show dahil nakalikom ng malaking-malaking datung na ibibigay kay Joseph para sa pagpapagamot nito.

Magaling na si Joseph kaya nakapag-guest na siya ng live sa Startalk noong Sabado. Bumalik na sa dati ang kanyang mukha pero medyo maga pa ang left eye niya dahil ito ang napuruhan ng aksidente. Kailangan ni Joseph na magsuot ng shades para may proteksiyon ang kanyang mga mata.

Nagpapasalamat ang bagets sa lahat ng mga tumulong sa kanya, ang mga kapwa artista mula sa ABS-CBN, GMA 7, at TV5. Nagbigay din ng financial help ang mga pulitikong artista na hindi ko na babanggitin ang mga names dahil baka ayaw nila na malaman ng mga tao ang kanilang ginawang pagtulong.

May communication si Joseph sa kanyang ex-girlfriend na si Sandara Park na nabahala ng husto nang malaman ang aksidente na nangyari sa dating dyowa. Matagal nang bumalik si Sandara sa South Korea at bongga ang takbo ng kanyang showbiz career doon.

Joey nasorpresa sa lumaking LV bag

Ang ganda-ganda ng Louis Vuitton bag na pasalubong ni Willie Revillame kay Joey de Leon.

Gulat na gulat nga si Papa Joey dahil bigger version ng LV bag na binili niya noon ang ipinadala sa kanya ni Willie. Parang nahulaan ni Willie ang LV bag na type na type niya.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

AMERICAN IDOL SEASON

ARANETA COLISEUM

DAHIL

DJANIN CRUZ

MANNY MANY PRIZES

SABADO

THIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with