Sis ni Kylie na galing Australia feel na ring mag-showbiz
Nasa bansa ang kapatid ni Kylie Padilla na si Zhen Zhen Padilla na kamukha ng mom nilang si Liezel Sicangco. Hanggang Oct. 5 dito ang 17-year-old na hindi marunong mag-Tagalog at may Aussie accent pa.
Isinama siya ni Kylie sa album promo ni Aljur Abrenica pero “I don’t know” ang sagot nang tanungin namin ng impression niya sa aktor. Balak ding mag-showbiz ni Zhen Zhen pero after two years pa dahil tatapusin ang high school. Impressed ito sa naipundar ni Kylie, kaya magsu-showbiz na rin.
Speaking of Kylie, nanood ito ng Cosmo Bash bilang suporta kay Aljur at naloka sa kanyang experience. Sabi nito: “Nahilo ako sa rami ng katawang nakita ko. First time kong makakita ng maraming taong nakahubad pero alam kong magaling si Aljur at hindi ako nagselos sa girls na nag-cheer sa kanya.”
Pansin namin, hindi na takot magpa-interview ng sabay sina Kylie at Aljur na panay ang titigan habang kausap namin. Kaya hindi kami naniniwalang wala pa rin silang relasyon hanggang ngayon.
Ikinatuwa rin ni Kylie ang Kakai nickname na ibinigay sa kanya ni Aljur dahil bukod sa maganda, first time niyang magkaroon ng nickname. Siya lang sa kanilang magkakapatid ang walang palayaw.
Cesar napabilib ni Sam sa bilis umiyak
Patapos na ang shooting ng Hitman, ang pelikulang produced, written and directed by Cesar Montano. Co-editor din siya ng aniya’y hard action movie na may first week of November playdate. Ang Viva Films ang magre-release ng pelikula, kung saan, leading lady ni Cesar si Sam Pinto.
In-assure ni Cesar na maganda ang role ng mga kasama niya at ’yung role ni Mark Herras ay drinowing niya. Magpapagalingan din sina Phillip Salvador, Joko Diaz, at Ricky Davao sa kanya-kanyang role.
Nagulat si Cesar sa bilis umiyak ni Sam na sabi naman ng dalaga, nakuha niya ang teknik sa acting workshop. Kasama rin sa movie ang anak na si Diego Loyzaga na sa first movie ay pinahawak agad niya ng baril.
Inalam namin kay Cesar kung matutuloy pa ang movie nila ni Robin Padilla at itinuro kami kay Vic del Rosario na siyang tanungin.
’Katuwa si Cesar dahil kahit busy sa showbiz, may time pa ring magturo. Nakaka-two Saturdays na siya sa five sessions ng Filmmaking sa Lyceum of the Philippines. From directing, editing, cinematography ay itinuturo niya for three hours, from 1-4 p.m. Sa first class niya ay may 100 students siya na baka madagdagan sa mga susunod pang Sabado.
GMA Records nakatikim ng hit sa tween stars
Wala sanang magalit sa amin pero ngayon lang uli nakatikim ng hit album ang GMA Records at ito ay ang original soundtrack album ng Tween Academy: Class of 2012. Nag-No. 1 sa OPM at over-all chart ng Odyssey ang album ng mga bagets mula Aug. 29-Sept. 4 kaya masaya ang lahat.
Maganda rin tiyak ang sales ng Christmas album ng mga bagets na malapit nang lumabas. Ire-release na rin ang DVD copy ng Tween Academy: Class of 2012.
- Latest