Mark Herras matagal nang atat mag-aksiyon
PIK : Proud na proud si Mark Herras sa kanyang role na ginampanan sa pelikulang Hitman na pinagbibidahan ni Cesar Montano.
Matagal nang pangarap ni Mark na mag-aksyon at natupad na nga ito ngayon sa Hitman.
Siya ang main kontrabida na bumagay nga sa kanya, kaya malaki ang pasasalamat nito kay Cesar na sa kanya ipinagkatiwala ang naturang role.
Ka-partner ni Cesar sa pelikulang ito si Sam Pinto.
PAK : Naging paboritong paksa na naman ng mga bading ang itinanong kay Shamcey Supsup na karamihang reaksiyong nakarating sa amin ay negatibo raw ang dating.
Tinanong ang Ms. Universe 3rd runner-up na kung magpapalit ba siya ng relihiyon para sa lalaking iba sa kanyang relihiyon.
Nega raw ang dating nito dahil sa pag-ibig naman ay walang relihiyon.
Sey ng isang reader natin : “Religion shouldn’t prevent you from marrying the person you love. God doesn’t have a religion. Love unites, doesn’t divide.”
Siyempre, hindi naman tayo kandidata sa Ms. U kaya hanggang sa pagsagot lang tayo magaling.
BOOM : Hanggang ngayon ay hindi pa rin humupa ang galit ni Princess Snell sa nagkalat ng balitang nabuntis siya ni Manny Pacquiao.
Kaya ito iritado dahil nakarating na rin daw ito sa kanyang non-showbiz boyfriend.
“One year na po kami ng boyfriend ko and going strong. Wala na po akong mahihiling sa boyfriend ko.
“Kung sino man po yung naninira sa akin, good luck po sa inyong lahat. Pero I’m very happy in my life,” himutok nito.
- Latest