Lea at Shamcey para lang mag-tiya!
Seen : Ang picture nina Shamcey Supsup at Lea Salonga sa Miss Universe 2011. Papasa sila na mag-tiya o mag-ina.
SCENE : Maraming komento ang mga Pinoy tungkol sa Miss Universe contest pero wala silang alam sa mga problema ng bansa,
SEEN : Si Monique Lhuillier ang gumawa ng gown na ginamit ni Lea Salonga bilang judge sa Miss Universe 2011. Si Monique rin ang designer ng wedding gown ni Lea.
SCENE : Pangatlo si Shamcey sa mga Pinay na nanalo ng 3rd runner-up place sa Miss Universe. Miss Universe 3rd runner-up si Desiree Verdadero noong 1984 at si Chat Silayan noong 1980.
SEEN : Back to work si Paolo Bediones matapos ma-confine sa ospital ng tatlong araw dahil sa pneumonia.
SCENE : Package deal si Jay-R at ang kanyang girlfriend na si Krista Kleiner. Pareho nang mga talent ng STAGES sina Jay-R at Krista. Magkasabay na umalis ang dalawa sa talent management company ni Arnold Vegafria.
- Latest