^

PSN Showbiz

Lea kina-iimbyernahan, Miss Angola binantaan ng sabunot at kurot ng mga bading!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi pa rin matapus-tapos ang diskusyon sa katatapos na Miss Universe kung saan nanalo si Ms. Angola at third placer lang ang pambato nating si Shamcey Supsup. Ang banta ng mga sangkabadingan, ‘wag susubukan ng organizer ng Miss Universe na dalhin ng bansa si Ms. Angola Leila Lopes dahil baka hindi sila makapagpigil at masabunutan lang nila ang bagong deklarang Miss Universe mula ulo hanggang paa.

Nasa airport pa lang daw si Ms. Angola, sasalubungin na nila para sabunutan at kurut-kurutin.

Hindi pa rin matanggap ng mga becky na natalo si Shamcey ni Ms. Angola na ka-hitsura ni Venus Raj. Ginaya lang daw si Venus ni Ms. Angola pati ayos ng buhok last year.

Uy at isa pang kinaiimbyernahan ng mga becky ay si Lea Salonga. Feeling nila, inilaglag nito si Shamcey na inamin niya mismo sa kanyang artikulo sa isang dyaryo na no. 2 ang rank ni Shamcey sa kanyang boto.

Inaasahan pa naman daw siya na tutulong para makalamang si Shamcey ‘yun pala, wala naman siyang ginawa.

Inamin kasi ni Lea na lahat silang siyam na judges, si Ms. Angola talaga ang choice nila. Ang punto ng mga kafatid, baka naging second runner up si Shamcey kung ito ang pinili niyang no. 1 sa kanyang boto.

Kaya ngayon, pinipintas-pintasan nila si Lea.

Meron namang analysis na napulitika talaga si Shamcey.

Imbyerna rin ang marami sa dalawang babaeng commentator na halatang ayaw kay Shamcey at mas pinapaboran ang six footer na si Miss China na irap daw nang irap kay Shamcey.

Hay naku, pagdating talaga sa beauty pageant, hindi pahuhuli ang marami sa atin. Lahat may opinion.

Roman at Shalani sa simbahan na ang tuloy

Sa simbahan na nga tutuloy ang relasyon nina Cong. Roman Romulo at Shalani Soledad.

May singsing na ibinigay ang binatang kongresista na isa ring lawyer kay Valenzuela councilor.

At ang singsing daw na ‘yun ay heirloom ha ayon sa isang malapit sa pamil­ya Romulo. Yup, galing sa mother ni Rep. Romulo na minana rin sa kanyang mga magulang.

Kailan lang nabuking ng media ang relasyon ng dalawa na matagal na palang nagdi-date.

Hindi nagpatalbog si Bela Padilla nang mag-participate siya sa taunang Asian Supermodel competition na ginanap sa China kamakailan.

Aminado siyang gumawa siya ng eksena : nakipaglaro siya sa mga manok at namitas ng sili sa China. Ang ending, hinabul-habol siya ng media na nagko-cover ng event.

Kaya naman gustung-gusto raw siya ng mga nag-cover ng event at kapwa niya participants. Kuwento nga ni Jenny Donato ng GMA Artist Center, throughout the competition, madalas siya ang pino-promote sa Internet, print and TV plugs ng pageant. Kaya during the coronation night, most applauded daw si Bela.

Hindi man siya nanalo ng major award sa nasabing competition, masaya naman siya dahil siya ang napiling Ms. Friendship at Media Darling.

Bukod sa kanyang mga eksena, napansin din ang kanyang kakaibang ganda.

Anyway, sa dalawang araw na competition na ipinalabas sa Guangxi TV station nagkaroon ng chance na bisitahin ng mga kandidata ang tourist spots sa Guillin and Nanning.

Mahigit silang 30 na sumali sa Asian Supermodel na kino-consider na pinakamalaking model competition sa Asya.

Last year ay sina Rhian Ramos at Steph Henares ang kasali at in fairness nakasama sila sa top 10.

By the way, nabanggit ni Bela na sasali siya sa Ms. World sa susunod na taon.

ARTIST CENTER

ASIAN SUPERMODEL

BELA PADILLA

GUILLIN AND NANNING

KAYA

MISS UNIVERSE

MS. ANGOLA

SHAMCEY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with