^

PSN Showbiz

Shamcey nagmukhang Latina!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-join ako kahapon sa China trip ng staff ng Wil Time Bigtime kaya hindi ko natapos ang panonood sa TV ng Miss Universe.

In fairness to me, naumpisahan ko ang contest at na-excite ako nang tawagin ang pangalan ni Sham­cey Supsup bilang panglabing-lima sa 16 semi-finalists.

Hindi ko naman na-miss ang Miss Universe dahil may replay ito kagabi na pinanood ko sa aming suite sa Venetian Hotel na may private entrance para sa mga VIP.

Nang tawagin si Miss Angola bilang semi-finalist, knows ko agad na siya ang mahigpit na makakalaban ni Shamcey sa Miss Universe crown.

True enough, si Miss Angola ang nag-win dahil sa kanyang outstanding beauty na lalong tumitingkad kapag ngumingiti siya.

Maganda, matalino, at deserving din si Shamcey sa Miss Universe title pero magkakamukha sila ng ibang mga semi-finalist.

Sa totoo lang, kung hindi natin alam na Pinay si Shamcey, puwede siya na mapagkamalan na Latina.

Judge sa Miss Universe si Lea Salonga. At least, maipagmamalaki ni Lea na tulad niya, magaganda at matatalino ang mga Pinay.

Hindi nasayang ang mataas na score na ibinigay ni Lea kay Shamcey dahil nagpakitang-gilas ito sa swimsuit at long gown competition.

Medyo sumablay lang si Shamcey sa question-and-answer portion dahil hindi bongga ang kanyang sagot. Hinayang na hinayang ang mga bading dahil abot-kamay na ni Shamcey ang korona na muntik din masungkit ni Venus Raj noong nakaraang taon.

Pagkatapos ng Miss Universe, ang Miss World Philippines naman ang beauty pageant na aabangan ng mga mahihilig sa beauty contest.

Ang mananalo sa Miss World Philippines ang ipadadala ng ating bansa sa Miss World 2011 na gaganapin sa London sa November.

Kailangan na mapantayan o mahigitan ng future Miss World Philippines ang achievement ni Shamcey sa Miss Universe or else, makakarinig siya ng negative feedback mula sa mga beauty contest experts.

Joanne Quintas mas bongga ang career sa pagmi-makeup

Mahusay na makeup artist si Joanne Quintas na ex-beauty queen din dahil siya ang Bb.Pilipinas-Universe winner noong 1996.

Alam n’yo ba na si Joanne ang favorite makeup artist ni Bong Revilla, Jr.?

Si Joanne ang nire-request ko na mag-makeup kay Bong sa mga print ad at TV commercials nito.

Marami sa mga artista ng GMA 7 ang nagkaroon ng sophisticated look dahil sa makeup ni Joanne. Sina Rachelle Ann Go at Sarah Lahbati ang ilan sa mga GMA star na lalong pinaganda ng klase ng makeup ni Joanne.

vuukle comment

BONG REVILLA

JOANNE

JOANNE QUINTAS

MISS

MISS ANGOLA

MISS UNIVERSE

MISS WORLD PHILIPPINES

SHAMCEY

UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with