^

PSN Showbiz

Magaling at magandang aktres hindi na mapipigilan sa paglipat sa ibang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakitang nakipag-meeting ang isang magaling at magandang aktres sa isang taong hinihingian ng tulong para makalipat siya ng ibang network. Exploratory talks pa lang ang nangyari pero tila wala nang makapipigil sa aktres na umalis sa network kung saan matagal siyang nakakontrata.

Nabalitang sa TV5 lilipat ang aktres pero magugulat ang nag-aabang sa paglabas niya sa Kapatid Network dahil baka sa GMA 7 siya unang lalabas. Kung anong show ng Channel 7, ’yun ang abangan ninyo at malapit na ito, bago magtapos ang 2011.

Para walang problema at hindi mademanda ang aktres, tatapusin muna nito ang kanyang kontrata sa network na magtatapos before the year ends, bago siya gumawa ng malaking hakbang sa kanyang career.

Tama bang may kasamang tampo ang pagnanais ng aktres na umalis sa kanyang home network at i-try magtrabaho sa iba?

Marian sure na ‘di magseselos Dingdong stress-free kay Kris

Pati si Dingdong Dantes ay napangiti sa sinabi ni Kris Aquino na ang shooting nila ng Segunda Mano ang most stress-free shooting ng aktor dahil friends sila ng GF nitong si Marian Rivera. Dagdag pa ng TV host-actress, mas nauna niyang naging close si Marian kesa kay Dingdong at mahal na mahal niya ito.

This week, Thursday and Friday ang shooting nina Kris at Dingdong ng horror movie na entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at co-producers din sila together with Star Cinema. Ang hindi pa namin naitatanong kay Kris ay kung paano ang hatian nilang tatlo sa budget at gross ng movie.

Kailangan palang magbawas ng 10 lbs. si Kris as per order ni Direk Joyce Bernal para mag-compliment sila ni Dingdong sa screen. Kaya fruit platter ang breakfast niya, multi-grain bread ang baon, at kung kumain ng hamburger, isa lang dapat.

Tuloy pa rin ang dream niyang makapagpatayo ng gaya sa Sonya’s Garden sa Tagaytay with swimming pool para sa mga anak.

Nakakatulog kasi sa klase Kristoffer Martin titigil na sa pag-aaral

Nalulungkot ang magka-love team na Joyce Ch­­ing at Kris­toffer Martin dahil hanggang week 18 na lang sila sa Munting Heredera. Aalisin ang dalawa sa primetime soap at ililipat sa Ikaw Lang ang Mamahalin na Oct. 10 na ang pilot.

Ayaw ng GMA 7 na napapanood ang dalawa sa dalawang soap, Monday to Friday. Hindi rin kakayanin nina Joyce at Kristoffer kung dalawang soaps at heto nga’t mapipilitang tumigil sa kanyang entrepreneurship course sa San Beda ang young actor dahil puyat at nakakatulog siya sa klase.

Edgar Allan pinayagan  sa Angel John Lloyd movie

Pinayagan ni Mother Lily Monteverde si Edgar Allan Guzman na gumawa ng pelikula sa Star Cinema kahit may exclusive contract ito sa Regal Entertainment, Inc. Gusto lang nitong maganda ang role ng aktor sa movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na tila I Honestly Love You ang title sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Tuwang-tuwa si Edgar Allan sa magandang ibinalita ng manager niyang si Noel Ferrer sa premiere night ng My Neighbor’s Wife. Nabanggit din ni Noel na kasama ang alaga sa Shake, Rattle & Roll sa episode ni Eugene Domingo, kaya busy ito dahil kasama rin siya sa Sa Ngalan ng Ina.

    Next week, magsisimula nang mag-promote si Edgar Allan ng Ligo Na U, Lapit Na Me na showing sa Sept. 28, sa direksiyon ni Erick Salud. Ang Regal ang magdi-distribute ng pelikula.

ANG REGAL

ANGEL JOHN LLOYD

ANGEL LOCSIN

CATHY GARCIA-MOLINA

DINGDONG DANTES

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

ERICK SALUD

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with