Lovi aabot na ang kaseksihan hanggang Thailand
Maganda para kay Lovi Poe kung totoong malalagay din siya sa cover ng isang men’s magazine sa Thailand. Mas malaki ang magiging kalamangan niya sa mga kapwa niya artista na na-feature sa nasabing babasahin pero for local consumption lang samantalang siya ay makikita pa ang beauty ng mga Thais.
Tama siya sa pagsasabing hindi siya papayagan ni Fernando Poe, Jr. kung buhay ito. Baka magkaroon pa sila ng gap dahil ewan ko kung mapipigilan nito ang gusto niyang gawin. Noon sigurong bata-bata pa si Lovi pero hindi na ngayong nag-mature na ito at may sarili ng isip. Pero ayaw ko ng isipin kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nilang mag-ama kung inabot ni FPJ ang kasikatan ni Lovi.
Bago ang pulitika Luis ie-enjoy muna ng todo ang pag-aartista
Si Gov. Vilma Santos, pabor kung papasukin din ni Luis Manzano ang pulitika. Katuwiran niya, hindi maaaring hindi niya maimpluwensiyahan ang kanyang mga anak lalo’t maganda ang trabaho niya at wala siyang masamang record. ’Yun nga lamang inaamin niya na being a public servant doesn’t pay much, mas malaki ang kita ng isang artista pero para sa magandang gobernadora mas mahirap maging isang pulitiko pero dahil nakapag-ipon siya nung artista pa, nagagawa niyang mamuhay ng komportable at maging ang kanyang pamilya.
Ganito rin marahil ang mangyayari kay Luis. Makukumbinsi itong pumasok ng pulitika pero ie-enjoy muna nito ang pagiging artista niya. Sa ngayon maging si Vi ay naniniwalang kailangang mag-enjoy muna ang mga anak niya ang kabataan nila dahil kapag naging public servant sila, mawawalan na sila ng panahon maging sa sarili nila.
Vina, alone but not lonely
Mukhang enjoy naman si Vina Morales sa career niya. Hindi niya naiisip ang kawalan niya ng love life. Sa ngayon kasi focused siya sa career niya na umaabot na pala ng 25 years.
Okay lang ’yan Vina pero huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Iba rin ’yung inspirasyon na maibibigay ng isang minamahal sa inspirasyon na inihahatid sa ’yo ng anak mo. Masuwerte ka na rin dahil kahit wala na kayo ng ama niya ay patuloy pa rin ang pagtutulungan n’yo in raising your child.
- Latest