^

PSN Showbiz

Bela Padilla nag-uwi ng international friendship award

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Proud na proud si Bela Padilla na nagkuwento sa aming nakakuha ito ng dalawang special awards sa sinalihan niyang Asia Super Model 2011 na ginanap sa Nanjing, China kamakailan lang.

Sa first day ay nakuha nito ang media’s darling award at sa pangalawang araw ng competition ay ginawaran siya ng international friendship award.

Sa ilang taong pagsali ng mga talents mula sa GMA Artist Center, first time itong nakakuha ng dalawang awards.

PAK : Totoo kayang hindi lang si Mariel Rodriguez ang nagparamdam na li­li­pat ng TV5, kundi pati si Valerie Con­cepcion?

 Pati si Pokwang ay tila nagpahayag din ng interes dahil kung matuloy si Mariel at sumunod si Valerie, bongga sana kung babalik silang co-host ni Willie Revillame sa kanyang Wiltime Bigtime.

Ang latest na nabalitaan namin, nakipag-usap na si Mariel kay Willie at kinonsider siya ng TV host-comedian na idagdag na co-host.

 BOOM : Nilinaw ng mag-inang Beth at Angelica Jones na wala silang balak na idemanda si Manay Lolit Solis pagkatapos isinulat nito ang isyu tungkol sa pagbebenta diumano ng tuko.

Itinanggi nito ang naturang intriga dahil alam naman niyang bawal ito.

Kahit sinasabi niyang marami siyang nakikitang tuko sa likod ng kanilang bahay, wala sa isip niyang ibenta ito.

Malaki ang respeto niya kay Manay Lolit pero may sama ng loob na naman ito ngayon sa ilang staff ng Showbiz Central dahil sa laging inilalabas nito ang interview sa dalawa nilang tauhan na hindi nila nababayaran.

Hindi naman inilabas ang kanilang sagot sa pambibintang na iyon ng kanilang tauhan. Kaya ang Showbiz Central naman ngayon ang napagdiskitahan ng mag-inang Jones.

vuukle comment

ANGELICA JONES

ARTIST CENTER

ASIA SUPER MODEL

BELA PADILLA

LOLIT SOLIS

MANAY LOLIT

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

SHOWBIZ CENTRAL

VALERIE CON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with