'Alam ko na ang feeling ni Kobe Bryant ngayon'
Alam ko na ngayon ang feeling ni Kobe Bryant nang pumunta siya sa Pilipinas, sakay ng kanyang private plane dahil private plane rin ang sinakyan nang lumipad ako kahapon sa Macau.
Hindi ko napahindian ang imbitasyon ni Willie Revillame nang tawagan niya ako noong Sabado nang umaga at sabihin na aalis kami kinabukasan papuntang Macau dahil ipagdiriwang niya ang independence mula sa kanyang kontrata sa ABS-CBN na pormal na nag-expire kahapon.
Very significant kay Willie ang date na 9/11 dahil ito ang araw ng kanyang kalayaan habang ginugunita sa buong mundo ang 10th anniversary ng pag-atake ng mga terorista sa Amerika. Doble ang kaligayahan ni Willie dahil nanalo siya sa kaso na isinampa ng ABS-CBN laban sa kanya at ito ang dahilan kaya lalo siyang ganado na pagandahin ang Wiltime Bigtime.
Siyempre, ang private plane ni Willie na Will ang sinakyan namin. Enjoy na enjoy ako at ang aking mga kasama dahil walang hassle ang biyahe namin. Hindi na kami nagpunta sa NAIA, pumila sa immigration at naghintay ng paglipad ng aming flight.
Pumunta lang kami sa hangar at nang makarating kami sa Macau, diretso kami sa immigration office para kunin ang aming mga passports. Sosyal ’di ba? Naka-check in kami sa suite room ng Venetian Hotel kaya royalty na royalty ang aking pakiramdam.
Asikasung-asikaso ni Willie ang mga pasahero ng Wil flight. Panay ang lapit niya sa lahat para mangumusta at siguraduhin na busog ang kanyang mga bisita. Knows ko na ngayon ang feeling ng mga contestants ng Wiltime Bigtime na binibigyan ni Willie ng special treatment at importance.
Of course, nagpakuha ako ng litrato sa harap ng Will private jet para may souvenir ako sa aming bonggang pagbabakasyon sa Macau. Bigtime na bigtime ang aking feeling kaya maraming salamat kay Willie!
Startalk cameraman empleyado na sa Venetian Hotel
Bukas na pala ang live telecast ng Miss Universe at malamang na hindi ko ito mapanood mula sa hotel suite ko sa Venetian dahil pupunta kami sa isang lugar sa China.
Plano ko sana na matulog nang maghapon sa aking sosyal na kuwarto pero ayokong ma-miss ang pupuntahan ng mga kasama ko na tiniyak na mag-e-enjoy kami sa lugar na darayuhin namin.
Nagkayayaan din na tumawid kami sa Hong Kong at ito ang pinag-iisipan ko ng husto dahil kagagaling ko lamang sa Hong Kong noong nakaraang buwan.
Maraming Pinoy na nagtatrabaho sa Macau. Naloka nga ako nang sabihin ng isang Pinoy roomboy na dati namin siyang cameraman sa Startalk. Napaka-small world ’di ba?
Rumarampa ako sa mall ng Venetian Hotel nang lapitan ako ng isang bagets na mhin, hindi para pik-apin kundi para imbitahan ako na sumakay sa Gondola. Nagtatrabaho ang bagets sa Venetian at pagkatapos magpakuha ng litrato na kasama ako, may-I-invite niya ako na sumakay sa Gondola, for free!
Pumayag naman ako dahil na-touch ako sa offer ng bagets na pinaiiral ang pagiging hospitable ng mga Pinoy, kesehodang nasa foreign land siya. First time ko na sasakay sa Gondola kaya excited ako.
- Latest